THREE: "Still stuck in the past."
BUSY sa pagbabasa ng kanyang newsfeed sa f*******: si Baste nang sumunod na umaga tapos ay may bigla na namang kumatok sa kanyang pintuan. He thought it’s Adriana who will seek for some help again but he was so surprised when his guess was wrong. Tatlong mga nasa mid-40s na mga manong ang nakatayo sa tapat ng pintuan.
“Ano pong kailangan nila?” magalang na tanong niya sa may edad na tatlo.
“Ikaw si Baste?” anang isang nakasuot ng sombrero.
“Ako nga. Bakit po?”
“Kami ang mga sinabihan ni Adriana kahapon na isama ka raw sa bagong construction sideline kaya dinaanan ka namin dito. Ako nga pala si Mario.” pakilala ng nakasombrero at naglahad ng kamay sa kanya.
Kaagad na tinanggap niya ang kamay nito. “Baste po. Oo, naalala ko na. Kayo pala ang tinutukoy ni Adriana na pwedeng magpasama sa akin sa mga sidelines n'yo?”
Tumango ito at nagpakilala na rin ang dalawa pang mga kasama nito na sina Crisostomo at Jack. Kinamayan din niya ang dalawa.
“Ano? Sasama ka ba sa amin ngayong araw? May bagong ipatatayong internet cafe saka cafeteria doon sa tapat ng isang paaralan sa pribadong hayskul.”
Ilang sandali siyang nag-isip at kalaunan ay tumango. “Sige, sasama ako.”
He will go with them para naman makalabas-labas din s'ya kahit papa'no dito sa bahay niya at may magawa-gawa. Mabuti nga 'to at hindi siya mabo-bored na walang ginagawa buong maghapon kundi ibabad ang sarili at magkulong dito sa loob ng bahay. Mabuti na itong kahit paano'y may pagkakaabalahan naman at kikita pa ng kahit konting pera.
TININGNAN ni Lindsay ang sarili sa maliit na salamin sa table ng kanyang cubicle sa opisina. She’s presentable as usual. Office girl na office girl ang aura. Naka-office dress at simple pero edukada tapos smart talaga ang dating.
Nang ma-satisfy sa itsura, nagsimula na rin siyang maghanda para sa pag-uwi. Inayos muna niya ang lahat, hindi kasi niya iniiwan ang kanyang table kung hindi niya ito nasiguradong malinis at yung mga gamit ay dapat nakalagay sa dapat na paglagyan. Mahipid ang lahat at walang dapat na kahit isang gamit ang nagkakalat. She has always been like this since school years and until now; neat, organized, smart, and beautiful.
“Say, let's go home." ani Adriana mula sa cubicle nito.
Tatlong cubicles ang nakapagitan sa cubicle niya at cubicle nito.
Mayamaya pa'y nasa likuran na niya ito. “Sis, tara na.”
“Mauna ka na sa bahay, sis, may pinabibili pa kasi sa akin na mga libro si ate Leslie sa mall para sa pamangkin ko. Need kasi masyado ng bata, ipadadala ko sa baryo bukas din.”
“Ah gano'n ba? Sige, samahan na kita.”
“No need, Adriana. Alam kong pagod ka buong maghapon dahil maraming inutos si boss sayo kaya mauna ka nalang umuwi, magpahinga ka. Basta, magsaing ka muna bago matulog ha? Bibili nalang ako ng lutong ulam para sa hapunan natin.”
True. Tao lang naman ang kaibigan niya kaya alam niyang napapagod din ito sa trabaho, ayaw lang talaga siyang iniiwan. She appreciates that side of him the most so in return to that kindness, she's also being considerate to him.
“Sigurado ka?”
“Oo, hindi naman 'yon masyadong marami ang mga bibilhin ko.”
“Oh s'ya sige. Take care.” anito sabay halik sa kanyang pisngi.
“Ikaw din, take care.”
Mga alas sais na nang nakauwi siya sa apartment ngunit hindi pa rin gaanong madilim. Bumaba siya ng taxi at medyo nahirapan dahil sa limang makakapal na mga libro na kanyang dala. Kailangan kasi ni Miro sa eskwelahan nito kaya nang mag-text ang kapatid niya kanina at pinabibili siya ay hindi na siya nag-atubiling dumiretso sa mall para bumili pagkatapos ng trabaho sa opisina.
“Miss Lindsay!”
Napatingin siya sa tumawag sa kanya at nakitang naglalakad palapit sa kanya si Baste galing sa bahay nito.
“Baste.” aniya.
Ngumiti ito. “Let me.” anito sabay kuha ng mga dala niyang libro.
“Ah, no need, kaya ko naman ito.” akmang tatanggi na siya sa nais nitong pagtulong ngunit ayaw nitong papigil.
“Hindi dapat nagbubuhat ng ganito kabibigat at karaming libro ang isang babaeng mapayat tulad mo." magiliw na sinabi nito at nauna nang naglakad papasok ng apartment niya.
“Pero, Baste, kaya ko naman-“ akmang makikipagtalo pa siya ngunit tumahimik na lamang nang mapagtantong hindi rin naman ito makikinig.
Sumunod na lamang siya sa likuran ng binata.
“Sa'n ko ilalagay 'to?” tanong nito nang makapasok sila sa loob ng apartment.
“D'yan na lang muna sa sofa. Salamat ha?”
Inilapag nito ang mga libro at muling ngumiti sa kanya. “No problem.”
Naalala bigla niya ang ginawa niya rito kahapon. “Ah, Baste, sorry nga pala sa pagtaas ko ng boses sayo kahapon. Hindi ko dapat ginawa ‘yon kaya pasensya na talaga.”
“Ayos lang, Miss Lindsay, naiintindihan ko naman. Hindi rin dapat kita tinanong ng mga ganoong bagay lalo na't kakikilala pa lamang natin. Pasensya na rin.” mabait na turan nito.
She nodded then smiled softly. “It's fine. Let's just forget about it.'”
Nang muling nagpaalam si Baste para bumalik na ng bahay nito ay dumiretso na rin siya sa kanyang kwarto upang magpalit na sana ng pambahay ngunit nakita niya sa kanyang mini table na may nakapatong na namang kung anu-anong imported chocolates. Ipinadala na naman marahil ng kanyang masugid na manliligaw na kahit ilang beses na niyang nabasted ay ayaw pa ring tumigil. Si Henry. Manliligaw niya magmula pa fourth year college at hanggang ngayong nagtagpo ulit ang mga landas nila ay hindi na naman siya tinigilan.
After kasi graduation noon sa college ay naghiwa-hiwalay na rin sila ng landas ng mga kaklase. May ibang nakipagsapalaran sa ibang bansa at may ibang nagsiasawa kaagad. Si Henry ay nangibang bansa at kamakailan lamang nakabalik nang bigtime na at may sarili nang negosyo. Nagkita ulit sila nito sa reunion ng kanilang batch and eventually, he said he's still single and he wants to continue hitting on her.
“May Cadbury chocolates na naman sa fridge, Say. Ipinadala na naman ni Henry?” tanong ng kaibigan niya nang magising ito at naghanap kaagad ng tubig sa kanilang refrigerator. Nakita malamang ang mga chocolates doon.
“Ano pa!” sagot niyang nasa harap ng tv sa sala habang nilalagyan ng plastic cover ang mga librong binili para kay Miro.
“Pahingi ako ha?”
“Bahala ka. Sayo na 'yan lahat kung gusto mo.”
“Salamat!”
Hindi naman sa hindi niya type si Henry kasi sa katunayan, may itsura din naman ang binata, may kaya pa, at seryoso pa sa trabaho pati na sa pag-aaral no'ng mga nasa kolehiyo pa lamang sila kaya lang magmula pa man noon ay wala na talaga siyang maramdaman kahit katiting na pagtingin pabalik rito.
She always has her standards especially when it comes to the man she will dedicate her heart to. Dapat ganito, dapat ganyan. Hindi man perpekto pero dapat may ganito at ganireng katangian. She never plays with love. When she gets to love someone, she loves seriously and wholeheartedly, at sa panahon ngayon, masyado nang mahirap makatagpo ng lalaking may katulad niyang persepsyon patungkol sa pagmamahal na papasa pa sa mga standards niya kaya nga hindi na rin siya nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa s'ya nagkakanobyo ulit pagkatapos niyang magkaroon noong second year college siya. Her first ever love. Well, she's not also in-denial with the thought that up until now, she's still stuck in the past.