"I-Ikaw? Teka pano nangyari yon? Ano ba talaga ang old rules?" napakamot ako ng batok. Wala talaga akong maintindihan. "Bad rules." lalong napakunot ang noo ko. Magsasalita palang sana ako nang tumunog ang bell. Tumitig siya sakin. "Huwag kang makikipag usap sakin kapag nasa school tayo. Sa bahay na tayo mag usap." napakunot ang noo ko at sinundan siya ng tingin habang papalayo. Hala. Ano kaya yun? Uh? Bakit hindi niya sinagot ang mga tanong ko? Tch! Ayaw niya lang akong pansinin dito eh. Ang arti niya. Hmp! Humakbang ako para maglakad sana papasok nang mapatingin ako sa taas at laking gulat ko nang makita ko ang lalaking nakatukod ang kamay sa railings ng bridge ng LU. Seryoso itong nakatingin sakin. Ang awkward naman kung aalis agad ako. Pero sabi ni Von hindi ko siya dapat pansin