Nagulat ako sa sinabi ni Von. I thought ayaw niya na malaman ng iba na may koneksyon kaming dalawa. Bakit niya sinabi iyon? At isa pa.. "B-Bakit mo siya sinipa?" gulat na tanong ko. Ni hindi niya ako nilingon at nanatiling matalim ang titig kay transferee. Lumapit ako sa kanya at humawak sa braso niya. "Von.." napaatras ako nang lumingon siya sakin. Akala ko ay makakatanggap ako ng death glare mula sa kanya kaso lumamlam ang mata niya nang lumingon sakin. "Ayos ka lang?" dahan dahan akong tumango. Nilingon niya ulit si transferee. Ngumisi ito kinagat ang labi niya sa inis. Dahan dahan siyang tumayo at pinagpag ang uniform niya. "First day ko palang binigyan mo na agad ako ng information. Too fast don't you think, cousin?" agad naalog ang utak ko sa sinabi niya. Oh right! Mag pinsan ng