Parang bigla yatang tumahimik sa paligid at nang lumingon ako ay nakita kong nakatingin ang iba sa amin at nagbubulungan. Anong meron? Nakita kong humalukipkip si Von at dumiretso ng tingin. Nakairap naman yung Louie. "Can't you eat fast? It's getting dark." masungit na sabi ng Louie kay Aika. "Maaga pa naman." sabi ni Aika. Pormal naman ang expression ni Von at nanatili siyang walang imik. "Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa. Tinaasan lang ako ng kilay ng Louie. Hindi naman ulit sumagot si Von. Nanatili siyang nakatungo. Pero bago pa ako ulit magsalita ay una ng sumagot yung Louie. "He's a jerk." "He's more than a jerk." sabat naman ni Von. "Hmm. Magkakilala nga kayo." tango tangong sabi ko. "Friends kayo?" umismid sila. "Tch. Ang sungit ng boyfriend mo." bulong ko k