JAY ROYZ POV. AYAW ko na sana siyang bitawan, ngunit nag-aalala ako… baka hindi pa talaga siya handa. Sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko, kabisado ko na kung kailan gusto rin ng katawan nila ang ginagawa ko. Ngunit kay Luisa, iba. Puno siya ng takot at pangamba… takot sa maaaring mangyari, takot sa maaaring gawin ko sa kanya. Kaya kahit gaano kahirap pigilan ang sarili, kailangan kong huminto. Halos naroon na kami sa puntong kaunting pilit na lamang at bibigay na siya… ngunit hindi pa dapat, hindi pa panahon, para kunin ko ang bagay na aking inaasam. Binitawan ko siya at mabilis na tumalikod. Ngunit huminto rin ako sa paghakbang. “Hindi sa ayaw kong ituloy ang nasimulan natin,” mariin kong sabi, mananatili akong nakatalikod at hindi ako lumilingon sa kanya. “Ang alam ko lang hindi k

