LUISA POV. NAGULAT ako nang bigla akong alukin ng kasal ni Chairman Jay. Napalinga-linga pa ako sa paligid, tila may hinahanap na taong maaaring mapagtanungan kung totoo ba ang narinig ko o isa lamang itong masamang biro. Ngunit wala ni isa mang taong malapit sa amin. May ilang magkasintahan sa ‘di kalayuan, abala sa kani-kanilang mundo, ni walang pakialam sa aming dalawa. “Luisa, will you marry me?” muling tanong niya. Humarap ako sa kanya, bakas sa aking mga mata ang matinding pagtataka. Ngunit nanatili siyang nakaluhod, nakatingala sa akin, seryoso at walang bahid ng pagbibiro. “Hindi ka ba nagbibiro? Totoo ba ang proposal na ito?” mahina kong tanong. “Yes, it’s true. Hindi ito biro. Totoo ang proposal ko sa’yo,” wika niya, naroon pa rin at nakaluhod. Naririto kami sa isang park

