JAY ROYZ POV. SI Lorah, kababata ko siya at ang una kong naging lihim na pag-ibig noong high school. Ngunit kailanman ay hindi ako nagkaroon ng lakas ng loob upang ipaalam sa kanya ang tunay kong nararamdaman. At bigla na lamang silang nag-migrate sa ibang bansa, iniwang nakabitin ang lahat ng salitang hindi ko nasabi. Iniyakan ko ang pangyayaring iyon, lalo na nang malaman kong hindi na sila babalik. Pinatunayan iyon ng pagbebenta nila ng kanilang bahay. Sa mga panahong iyon, lubha akong nasaktan. Gayunman, sa paglipas ng mga araw at buwan, unti-unti ko rin siyang nakalimutan… nagkaroon na rin ako ng nobya. Yon nga lang hindi nagtatagal dahil busy ako sa pag-aaral. Ngunit makalipas ang maraming taon, bigla siyang bumalik sa bansa. Hindi ko alam kung may natitira pa ba akong damdamin pa

