DOS POV KAGAYA ng napag-usapan namin ni Meru, sampung minuto bago mag alas-diyes ay dumating ako sa korte. Naabutan ko siya roon, kasama ang traydor kong kaibigan. Ni isang sulyap, hindi ko sila tinapunan ng tingin. Tahimik lang akong nakaupo habang ang abogado ko ay nakikipag-usap sa abogado nila. Samantala, ang judge ay seryosong nakamasid sa amin. “Mr. Thunder Dos Del Fuego,” panimula ng abogado nila, “may sinusunod tayong batas. Legal kayong mag-asawa, at narito ang mga dokumento para sa paghahati ng conjugal properties ninyo.” “Wala akong ibibigay sa kanya,” malamig kong sagot. “Bago kami ikasal, may prenuptial agreement kami. At lahat ng assets ko… pinundar ko pa noong binata pa ako. Kaya anong conjugal properties ang sinasabi ng kliyente mo, attorney?” “Kung gano’n,” sagot ni

