LUISA POV. ISANG linggo na ang lumipas mula nang mabaril si Chairman Jay. Ang planong bakasyon na matagal na niyang inihahanda para sa amin ay hindi natuloy. Hindi kami pinayagan ni Chairman Ruins… wala pala silang kaalam-alam sa sinapit niya. Si Lolo Josen lamang ang nagbalita, at ayon sa kanya, muntik nang himatayin si Tita Jam sa sobrang pagkabigla. Maging si Ate Roice ay mariing tumutol din. Agad silang nagtungo rito sa probinsya upang personal na makita ang kalagayan ni Chairman Jay. Nagsampa na rin ng kaso si Lolo Josen laban kay Mayor Aragosa. Ngayon lamang niya ibinulgar na ilang ulit na palang pinasok ng mga tauhan ng alkalde ang kanilang lugar… lahat ay malinaw na naitala sa CCTV. Unti-unti na ring lumilitaw ang mga taong handang tumestigo laban sa mga kademonyohan ni Mayor Ar

