LUISA POV. MATINDING takot ang bumalot sa akin nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. Hindi ko alam kung saan ako tatakbo, kung paano ako makakatakas… hanggang sa bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Sa sandaling iyon lamang tila bumalik ang aking ulirat, nang maramdaman ko ang init ng palad ni Chairman Jay. “Don’t be scared. Halika, doon tayo, baby.” Hindi ako makasagot; tango lamang ang naging tugon ko. Kita ko sa kanyang mga mata ang matinding takot… ang takot na baka may masamang nangyari sa akin. Kaya kahit mga bala ay hinarang niya, masiguro lamang ang aking kaligtasan. At halos mabaliw ako nang makita ang dugong tumatagos sa kanyang tagiliran at hita. Doon pala siya tinamaan ng dalawang putok na umalingawngaw sa paligid. Agad na nanglabo ang aking mga mata dahil s

