JAY ROYZ POV. NARIRITO kami sa probinsya, sa bahay ni Lolo Josen. Kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata nang malaman niyang girlfriend ko na si Luisa. “Kailan naman ang kasal n’yo, apo?” pabirong tanong niya, ngunit may halong seryoso ang tinig. “Lolo, kahapon lang niya ako sinagot. Kasal agad?” napakamot ako ng ulo. “Baka hindi pa siya handa, at sa halip ay hiwalayan lang ako.” “Wala kang tiwala sa sarili mo, apo?” tila hinahamon niya ako, may bahid ng ngiti sa labi. Maya-maya’y biglang nagbago ang tono niya. Naging seryoso si Lolo. “Maiba ako. Mamaya, kapag nagtungo kayo sa sementeryo, siguraduhin mong ligtas si Luisa. Matagal nang inaabangan ni Mayor Argosa ang pagbabalik niya rito sa probinsya.” “Opo,” mariin kong sagot. “Hindi ko sila hahayaang makakuha ng kahit anong pagkak

