CHAPTER- 87

1829 Words

LUISA POV. MAY pagka-maginoo pala si Chairman Jay. Kahit buong gabi kaming magkatabi sa iisang higaan, ni minsan ay hindi niya sinubukang samantalahin ang sitwasyon. Dahil doon, unti-unting lumalalim ang tiwalang ibinibigay ko sa kanya. Noon, buong akala ko’y wala siyang pinalampas na babae. Mali pala ako… sapagkat napatunayan ko na ang kanyang kabaitan. Simula pa kahapon, boyfriend ko na siya. At totoo ngang isa siyang tunay na ginoo. Maalaga, maasikaso… sa halip na ako ang mag-alaga sa kanya, siya pa ang laging nasa tabi ko. Pati pagkain, halos siya na rin ang sumusubo sa akin. Ngayon, naghahanda na kami sa pagbabalik ng Maynila. Gusto ko sana siyang tulungan sa pag-aayos ng tent, ngunit ayaw niya. Maupo na lang daw ako at manood. Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko mapigilang ma

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD