CHAPTER- 67

2102 Words

JILL POV. INIWAN ko munang tulog si Janine Roice bago ako bumaba, pero hindi pa man ako nakakagawa ng dalawang hakbang ay may biglang humila sa braso ko. Paglingon ko… galit na galit na mukha ni Jay Royz ang bumulaga. At bago ko pa mailagan, dumapo na ang malakas niyang suntok. Bumagsak ako sa sahig. Kung hindi lang humarang ang kakambal ko, baka nasapul pa ako ng sipa niyang kasunod. “Alam kong pinlano mo ang lahat para hindi makatanggi ang kapatid ko!” singhal ni Jay Royz, halos umuusok sa galit. Hindi ako sumagot; hinayaan ko siya sa kanyang mga hinala. Tumayo ako, tumungo sa medical cabinet, at naglabas ng pain reliever. Pagkatapos ay dumiretso ako sa mini-kitchen, binuksan ang fridge, at kinuha ang natirang pagkain kagabi para painitin. May narinig akong pumasok, pero hindi na ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD