JANINE ROICE POV. MASAYA ang naging pag-iikot namin sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. At kahit marami pa kaming hindi napuntahan, sulit na sulit na rin ang buong bakasyon. Pagbaba ko mula sa hotel na tinutuluyan namin, naisip kong maglakad-lakad muna. Wala si Jill at ang pinsan kong si Romiel; magkasama silang umalis kanina. Ang huling destinasyon namin ay dito sa Cagayan, at mananatili kami ng tatlong araw. Nagpatuloy ako sa paglalakad at lumabas ng hotel… hanggang sa humantong ako sa tapat ng isang spa. Kumunot ang noo ko nang mapansin ko ang isang pamilyar na pigura. Nakatagilid ang lalaki, gayon din ang babaeng kausap niya. Tila nagtatalo ang dalawa. Maingat akong lumapit, bawat hakbang ay dahan-dahan, pinipigilan gumawa ng ingay. Huminto ako nang ilang dipa na lamang ang layo

