JANINE ROICE POV. NAGING masaya ang muling pagkikita namin nina Lolo at Lola. Halos hindi sila matapos sa kaiiyak nang mayakap kami ni Jay Royz. Mahigit limang taon na rin mula nang huli nila kaming makita, kaya nang hilingin nilang manatili kami sa bahay nila nang ilang araw, hindi na kami tumanggi. Binalikan na lamang ng ilang bodyguard ang mga gamit naming naiwan sa hotel. Ang nakatutuwa lang, dito pala unang makikilala ni Jay Royz ang magiging asawa niya… ayon kay Lolo. Parating daw ang isang dalagang magdadala ng kakanin para kina Lolo at Lola, at kuwento pa ng abuelo, tuwing umaga ay siya ang regular na nagdadala ng pagkain sa kanila. “Talaga bang gusto mo siyang maging apo mo, Lolo?” nakangiti kong tanong. “Oo,” mabilis niyang tugon. “Matagal ko nang kilala ang batang ‘yon… nap

