CHAPTER- 70

1829 Words

THIRD PERSON POV. SUMABOG sa galit si Mayor Aragosa nang ipakita sa kanya ang live video. Malinaw ang kuha mula sa gate ng bahay nila… habang puro pagbabanta ang sinisigaw ng anak niyang si Gaspar Jr. “Dalhin n’yo rito ang tarantadong ’yon! Kung kailan malapit na ang eleksyon, saka pa siya gumawa ng kagaguhan!” sigaw niya, bago bumaling sa iba pang tauhan. “Alamin n’yo kung sino ang may pakana ng video, at kaninong sasakyan ang nahagip ng CCTV. Bilis… kumilos kayo agad!” “Masusunod po, Mayor Aragosa.” Lumapit naman ang asawa niya. “Gaspar, huminahon ka. Baka atakihin ka sa puso, mas lalo pang lumala ang problema. Kung sinuman ang naglakas-loob na kumalaban sa atin, sila ang kausapin mo. Sa ngayon, kailangan mong magpakahinahon. Ilang buwan na lang, eleksyon na. Kausapin mo nang maayos

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD