JILL POV. PAGBALIK namin ng Manila, agad kong inasikaso ang engagement party. Sa tulong nina Jay Royz, Tol Romiel, at ng dalawang event organizers, maayos naming natapos ang lahat ng kailangang ihanda. Pagsapit ng hapon, pinauwi na nila ako upang makapag-ayos naman ako ng aking sarili. “Anak, may oras ka pa. Huwag kang magmadali,” sabi ni Mommy Hilda… samantalang siya, maaga pa lang ay ayos na ang make-up. Parang siya pa ang excited sa event… o tamang sabihin na kinikilig pa yata. “Kinakabahan po ako, Mommy. Baka mabigla si Janine Roice… baka hindi niya tanggapin ang proposal ko,” pag-amin ko. “Isa pa, kanina habang nasa venue kami, nakatanggap ng mga pagbabanta sina Tol Romiel at Jay Royz. Hindi ko mapigilang mangamba. Baka habang ginaganap ang engagement party, biglang may gumawa ng

