JILL & JANINE Two months later… Apat na oras matapos ang kasal namin ni Jill, biglang nagkagulo sa labas ng venue. Wala nang pag-aatubili niya akong binuhat, mabilis na tinungo ang exit, kasabay sina Jay Royz at Kuya Romiel na agad umalalay upang protektahan ako… lalo’t dalawang buwan na akong buntis. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. “Sino ba ang nagpapagulo?” tanong ko, sapagkat halatang ayaw nila akong bigyan ng detalye. “’Wag mo nang intindihin,” sagot ni Kuya Romiel, iritado ang tono. “Wala lang magawa ‘ang mga tauhan ni Mayor. Sumugod pa talaga dito… akala yata may mapapala sila, huh!” “Totoo ba talagang disqualified si Mayor sa re-elect?” usisa ko pa. “Iyon ang balita,” tugon niya. “Naka–hospital arrest na rin.” “Akala ko ba kahit nakakulong, pwedeng tumakbong muli?” “Pwe

