LUISA POV. PAWIS na pawis ako nang dumating sa bus station. Saktong paalis na ang bus kaya mabilis akong umakyat, ngunit hinarang ako ng konduktor. “Wala nang upuan. Sa susunod ka na lang sumakay,” aniya bago pa niya ako tuluyang pababain. Hindi ako nagpatinag. “May kasama po ako, pulis… si Mr. Arnold,” sabi ko nang buong tapang at itinuro ang bandang likuran. “Ah, ganun ba? Sige, umakyat ka na.” Gumilid ang konduktor at binigyan ako ng daan. Habang papunta ako sa likuran, mabilis kong sinuri ang bawat pasahero. Doon ko nakita si Mr. Arnold, tahimik at nakatingin na sa akin. Lumapit ako at huminto sa tapat niya. “Umupo ka na,” aniya sabay tayo. Kahit nahihiya ako, pinili kong kapalan na lang ang mukha ko. Mas mabuting nakaupo ako… malayo ang biyahe papuntang Maynila, at baka may mga

