DOS POV. HINDI ko pinapansin si Tres kahit kanina pa siya salita nang salita. Nakita na nga niya, nagtatanong pa. “Brother, yung totoo… kayo ba ni Tomboy?” “Ano ba ang nakita mo?” “Nakita ko siyang tumatakbo palabas ng pinto, kaya nabunggo siya sa akin. Tapos ikaw, hubo’t hubad na sumunod sa kanya.” Napailing na lang ako sa kakambal ko. Ang kulit talaga. Parang laging may bagong kalokohan ang kapatid kong ito. “Wala ka bang babae ngayon kaya naririto ka sa ganitong oras?” tanong ko habang gumagawa ng kape. “Meron kanina, kaya lang walang kwenta sa kama. Sayang lang ang binayad ko sa kanya. Basta nakatihaya lang, tapos ang luwang pa ng butas. Sinong gaganahan?” Natawa ako bago ko inabot sa kanya ang isang tasa ng kape, saka ko siya tinalikuran. Sumunod naman agad sa akin ang loko. S

