Shairene POV. Mukha akong tanga sa ginagawa ko. Iwas ako nang iwas sa mga kaibigan ko, pero alam ko namang hindi ako mabubuhay nang wala sila. Huminga ako nang malalim bago ko sila tawagan. Kailangan kong sabihin sa kanila na hindi na ako pupunta sa tambayan. Iyon lang ang paraan… para maiwasan ko si Dos. Sigurado akong mamaya pa sila darating, kaya nauna na akong pumunta sa gym. Pagpasok ko pa lang, agad kong sinalubong ang punching bag. Unang suntok. Kasunod ang isa pa. At isa pa. Sa bawat suntok ko, mukha ni Dos ang nakikita ko. Hindi lang suntok. Sinundan ko ng malalakas na sipa, sunod-sunod, walang pahinga. Para bang gusto kong ilabas lahat ng galit ko sa bagay na ‘yon. Galit ako. Sa nangyari. Sa sarili ko. At hindi ko alam kung kanino pa. Nagpadala ako sa damdamin

