LUISA POV. LIHIM kong pinagmamasdan si Chairman Jay Royz. Kanina pa ako nagpipigil ng ngiti… may kaartihan din pala ang lalaking ito. Kanina, halatang naiinis siya dahil nagluto ako ng pagkain. Hindi ko naman alam na ayaw pala niyang mag-amoy ulam ang loob ng penthouse. Nalaman ko lang ‘yon nang nasa kalagitnaan na ako ng pagluluto. At nang mapansin kong papalapit siya, nagkunwari akong hindi ko siya nakita. Malakas sana ang sigaw niya, ngunit bigla ring naputol… tila pinigil ang sarili sa balak na sermon. Handa na rin naman akong salubungin ang mga ibabatong salita niya. Kalalaki niyang tao, ang arte. Hindi naman permanente ang amoy ng pagkain sa loob ng penthouse. “Bakit ganyan ang tingin mo sa akin? At bakit hindi ka rin kumakain? Sabi mo kaya ka nagluto dahil gutom ka?” matiim niya

