ANG DALAWANG LALAKI JAMILLAH POV. NAGUGULUHAN ako sa kilos at pananalita ni Jack. Limang araw pa lamang ang nakalipas, maayos pa ang pag-uusap namin… walang bahid ng pagtatago, masaya rin kami. Pero ngayon… parang bigla siyang naging ibang tao. Hindi rin ako makapaniwala sa biglaang pag-checkout ng kanyang ina sa ospital. Ang sabi ni Kuya Romiel, wala naman daw siyang napansing kakaiba nang umalis ang mag-ina kaninang umaga. Tahimik. Maayos din na nagpaalam sa kanya si Jack. Ang sabi lang daw ni Jack, tatawag daw siya kay Kuya Romiel kapag magkikita sila. Kaya sinubukan ko siyang tawagan, ngunit hanggang ngayon, hindi ko siya makontak. Paulit-ulit ko pa rin tinawagan ang cellphone niya, kaya lang laging busy ang linya. At ang nakakapagtaka… fully paid ang hospital bills nila. Samantala

