CHAPTER- 1

1774 Words
ANG MULING PAGKIKITA. JAMILAH POV MAINIT ang bawat haplos nang mainit na palad sa hubad kong katawan. Parang may apoy na biglang sumiklab sa loob ko, at bawat pintig ng puso ko’y tila sasabog sa sobrang tindi ng nararamdaman. "AHHH! Please d-don't stop!" May halong pananabik ang boses ko, at halos mapugto ang hininga sa kakaibang kilig at ligayang pinaparamdam ng lalaking nasa ibabaw ko: Ninong Ruins. “Akin ka lang, Jamilah. Walang sinuman ang pwedeng umangkin sayo. Si Ninong lang ang nag- iisang lalaki na tanging may karapatan sa buong pagkatao mo, right baby?" madamdaming pahayag ng napaka gwapo kong ninong. “Yes - ninong, i’m yours.” = Malakas na pagbagsak ng katawan ko ang nagpagising sa akin. Napatingin ako sa paligid — maliwanag na, at tahimik ang buong bahay. Saglit akong napapikit, sinusubukang balikan ang panaginip na kanina lang ay parang totoo. Naramdaman ko pa ang bigat sa dibdib, ang kirot sa alaala. Parang bumalik ang gabing iyon — ang gabing nagbago ang lahat sa buhay ko. Nangyari iyon noon, noong matapos ang ika-labinsiyam na kaarawan ko. Tulog na sina Mommy at Daddy; si Ninong at ako sa bahay nila. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman noon — takot na hindi na siya bumalik, hiya sa sarili ko, o tamang sabihin, masaya at walang pagsisisi — pero malinaw sa isip ko: iyon ang gabing nalasap ko ang ligaya sa piling ni Ninong. Ngayon, ilang taon na ang lumipas, pero tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik pa rin ang alaala. Hindi ko alam bakit sa tuwina laging laman siya ng panaginip ko. Naalala ko pa pagkatapos ng nangyari sa amin, bumalik na si Ninong Ruins sa Amerika. Iyon ang unang pagbisita niya sa bansa magmula nang umalis siya noong bata ako. Kapitbahay lang namin sila dati, at sa panahong iyon, single na raw siya — trenta y uno anyos, tahimik, at laging may misteryo sa mga mata. Kamakailan lamang siya muling nagbalik sa Pilipinas. Ang sabi ng mga tao, wala pa rin daw siyang asawa. Pribado pa rin ang kanyang buhay, halos walang nakakaalam kung saan siya tumutuloy o anong ginagawa niya. Ang sabi ni Daddy, labindalawang taon pa lang daw si Ninong Ruins nang ipinanganak ako. Lumaki siyang parang bahagi ng pamilya namin. Lagi raw siyang nasa bahay, laging karga ako, kaya nang araw ng binyag ko, siya na ang ninong ko. Malapit kasi sa amin ang pamilya nila — lalo na ang lolo niya na matalik na kaibigan ni Daddy. Ngunit nang pumanaw ang lolo ni Ninong, bigla itong dinala ng mga kamag-anak sa ibang bansa. Simula noon, tuluyang naputol ang balita tungkol sa kanya. Lumipas ang mga taon, hanggang biglang nagbalik — dala ang mga alaala naming dalawa - hanggang ngayon ay sariwa pa sa puso at isipan ko. “Jamilah! Wala ka bang pasok at nakahiga ka pa rin diyan?” Bumalik ako sa realidad sa lakas ng sigaw ni Aling Anita — matagal na naming kasambahay. Halos nanay na ang turing ko sa kaniya dahil siya na ang nagpalaki sa akin mula bata pa ako. Nagmadali akong bumangon at tumakbo papasok sa banyo. Sampung minuto lang ang itinagal ko sa paliligo; halos hindi ko na nga nabuhusan nang maayos ang likod ko. Paglabas ko, nakita kong maayos na ang silid at nakalatag na sa ibabaw ng kama ko ang uniporme. Napangiti ako — si Aling Anita talaga, napakabait at maalalahanin. Wala na akong oras kaya matapos makapagbihis ay mabilis kong dinampot ang bag at tumakbo palabas ng bahay. Medyo malayo ang bus stop, kaya kailangan kong maglakad nang mabilis kung ayaw kong mahuli sa school. Ngunit bago pa ako makalabas sa gate, isang magarang itim na sasakyan ang huminto sa mismong harapan ko. Kumikinang ito sa sikat ng araw, at nang bumukas ang tinted na bintana, isang pamilyar na tinig ang marahang nagsalita. “Get in.” Hindi ako agad kumilos. Nakatayo lang ako sa gilid ng gate, nakayuko, bago ko dahan-dahang sinilip kung sino ang nasa loob ng sasakyan. At halos mapalundag ako sa gulat nang makita ko kung sino iyon. “Ninong!” halos pasigaw kong tili, saka ako nagmamadaling sumakay sa harapang upuan. Ngumiti siya — 'yung ngiti niyang dati ko pang natatandaan, pero mas lalong nakaka-attract ngayon. “Kumusta ka, inaanak?” tanong niya sa mababang boses na tila dumadaloy sa dibdib ko. “Hetong heto po, lalo pang gumaganda, Ninong,” sabay hagikgik kong sagot. “Ikaw naman… bakit ngayon ka lang ulit bumalik ng bansa? Ang ibig kong sabihin, dito ka na ba mamamalagi?” Tumango siya, sabay titig sa akin gamit ang mga matang parang laging nang- aakit. “Yeah,” wika niya. “Kaya simula ngayon, ako na ang maghahatid sa’yo sa campus.” Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Para akong batang nabigyan ng pinakamasarap na regalo. Hindi ko mapigilan ang sarili kong sulyapan siya — ang pamilyar niyang ngiti, ang matikas niyang panga, at ang matipunong katawan na halatang mas lumaki at tumigas pa yata sa palipas ng taon. Hanggang sa magsalita siya nang may halong biro, pero may lambing sa tono. “Ang mga mata mo, kung saan-saan nakatingin… baka manuno ka, Baby—este, Jamilah.” Natauhan ako at mabilis na umiwas ng tingin. “A-ano ’yon, Ninong?” tanong ko habang pinipigilan ang ngiti sa labi. “Wala,” sagot niya sa mababang boses, habang nakangiti. “Ang sabi ko, miss na kita, inaanak.” Iningusan ko siya. “Miss agad? Ang tagal mo ngang bumalik. Kung talagang miss mo ako, dapat noon ka pa umuwi.” Umiling siya, may bahid ng ngiti pero may lungkot sa mga mata. “Siguro nga kasalanan ko. Pero may mga dahilan akong hindi ko puwedeng ipaliwanag sayo noon.” Tahimik ako saglit. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman—tampo, tuwa, o lungkot. Kaya nagbiro na lang ako. “Hindi rin naman kita na-miss, Ninong. Sa totoo lang, nakalimutan na nga kita.” Ngumiti siya, ’yung ngiti niyang parang alam niyang nagsisinungaling ako. “Sigurado ka riyan?” tanong niya nang may halong biro, pero may lungkot sa tono. Hindi ako sumagot. Sa halip ay tumingin ako sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mabilis na pagdaan sa mga gusali. Pero sa totoo lang, naririnig ko pa rin sa tenga ko ang baritono na boses niya—pamilyar, mainit, nakakalito. Ilang sandali pa ay binasag niya ulit ang katahimikan. “Kailan pala ang graduation mo, Jamilah?” “Sa susunod na buwan,” sagot ko. “Kaya busy ako sa practice at iba pang activities.” Tumango siya, seryoso na ngayon. “Pagkatapos mong makagraduate, gusto kong doon ka na magtrabaho sa kumpanya ko. Kailangan ko ng taong mapagkakatiwalaan.” Tumingin ako sa kanya, bahagyang nakangiti. “Bakit, wala ka bang secretary?” Ngumiti rin siya, pero may kakaibang titig. “Meron. Pero wala akong pinagkakatiwalaan na kagaya mo. Ayaw ko rin ng ibang tao sa paligid ko, ikaw lang ang nais kong kasama sa malaking opisina ko.” Kakaiba ang hatid ng mga salitang iyon ni Ninong—parang may init na dumaloy sa kaibuturan ko. Hindi ko mapigilan ang pananabik na muling makasama siya. “Hindi ko pa alam kung papayagan ako ni Daddy,” sagot ko nang may pag-aalangan. “May application ako sa New Zealand. Gusto nila roon ako mag-aral, at kung maaari, doon na rin magtrabaho.” “Kakausapin ko ang daddy mo. Pagkatapos pala ng graduation day, saan mo balak magbakasyon?” tanong ni Ninong, habang nakatitig sa akin na tila may iniisip na kakaiba. “Para saan pa ang bakasyon, Ninong?” tugon ko, bahagyang nagtataka. “Syempre, kailangan mong mag-relax,” sagot niya, malumanay ang tinig. “Ilang taon ka ring nag-aral. Sigurado akong sa mga panahong ‘yon, halos hindi ka man lang nakalabas o nakapunta sa lugar na makapagpapahinga ang katawan at isipan.” “Kailangan pa ba ‘yon?” mahina kong sagot, halos pabulong, parang ako mismo’y hindi tiyak kung gusto kong marinig ang sagot niya. “Oo naman,” sagot ni Ninong, may bahid ng ngiti sa tinig. “Kaya bilang regalo ko sa’yo pagkatapos ng graduation, pupunta tayo sa lugar na gusto mong marating. Isang linggo… o baka sampung araw tayong mag-stay doon.” Mahaba niyang litanya iyon, at sa loob-loob ko, tila nais kong magdiwang. Sa wakas, muli ko siyang makakasama. “Pwede ba akong mag-request, Ninong?” tanong ko, halos hindi maitago ang pananabik. “Oo naman, basta ikaw. Sabihin mo lang,” mabilis niyang tugon. “Gusto ko sana doon tayo magbakasyon sa isla. Sabi nila, maganda raw doon... pero medyo malaki raw ang magagastos.” “Saan ang lugar na ‘yon? Sabihin mo sa akin at dadalhin kita roon,” sagot niya, diretsahan ngunit may lambing. “Talaga, Ninong? Hindi mo ako binibiro? Gagastos ka ng malaking pera para lang marating ko ang lugar na ‘yon?” Ngumiti siya, marahan ngunit may pananabik sa paraan nang tingin. “Sabi ko nga, basta para sa’yo, handa akong maglaan ng oras at panahon. Tungkol naman sa pera—huwag mo ‘yong intindihin. So, tell me… anong isla iyon, at saang parte ng Pilipinas?” “Hidden Paradise Island, matatagpuan sa bahagi ng Kabisayaan. Kaya lang, kailangan daw ng membership para makapasok doon.” “Pagkahatid ko sa’yo sa school, titingnan ko agad ang website nila. Kung puwedeng mag-apply online, ako na ang bahala.” “Sige po, Ninong,” sagot ko habang abot-tainga ang ngiti. Pagdating namin sa school, ibinaba niya ako sa mismong harap ng gate. Halos mapahinto ang ilan kong kaklase nang makita akong bumaba mula sa magarang sasakyan. Pipigilan ko sana si Ninong na wag bumaba, pero huli na—nakita na siya ng lahat. Ang mga tingin ng mga estudyante ay punô ng paghanga… ngunit may ilan ding may halong pagnanasa. Akmang magsasalita na ako upang utusan siyang pumasok sa loob ng sasakyan, ngunit bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko na lang ang mga labi niya sa labi ko. Napasinghap ako, at kusang lumaki ang mga mata sa gulat sa ginawa ni Ninong. “Ms. Jamilah! Naririto ka sa campus upang gumawa ng kalaswaan!” Mabilis kong naitulak si Ninong palayo nang marinig ko ang malakas na tinig ni Professor Dimaapi. Halos umusok ang kulot niyang buhok sa galit. Ngunit bago pa ako makapagsalita, narinig ko ang tilian ng mga estudyante. Paglingon ko, si Ninong—aba’y panay flying kiss sa mga kababaehan! Napataas ang kilay ko, lalo na nang mapansin kong si Professor Dimaapi, na kanina’y nagwawala, ngayo’y tila kinikilig pa sa kagwapuhan nang ninong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD