ANG PAGSESELOS.
JAMILAH POV.
HABANG nasa silid-aralan ako, hindi ko maiwasang malayo ang isip ko. Paulit-ulit na bumabalik sa alaala ko si Ninong Ruins. Grabe, kung gaano na siya kaguwapo noon, mas lalo pa ngayon.
Mas matipuno na ang katawan niya, at may kung anong karisma sa bawat galaw na hindi ko maipaliwanag. Napapangiti na lang ako tuwing naiisip ko siya—hindi ko alam kung bakit, pero parang may kung anong puwang sa dibdib ko na siya lang ang nakapupuno.
“Jamilah! Ano ba yan? Kanina pa kita kinakausap, nakatulala ka lang d’yan, huh!” Muntik pa akong mapasubsob sa lakas ng tulak sa akin ng kaibigan ko.
“Ha? Ano nga ulit ‘yung sinasabi mo?”
“Ang sabi ko, sino ‘yung naghatid sa’yo kanina? Balita sa buong campus, may lalaking ubod daw ng gwapo na kasama mo!”
“Ah, si Ninong ko ‘yon. Simula ngayon, siya na ang hatid-sundo sa akin.”
“Ay, taray! Pa-share naman ng picture ng Ninong mo!”
“‘Wag na, baka magkagusto ka pa sa kanya. Sigurado akong mabibigo ka lang—hindi ka niya type.”
“Hmm… ganun? Patingin muna ng picture, tapos saka tayo gumawa ng deal.”
“Deal? Anong deal naman ‘yan?”
“Patingin muna ng picture niya.”
Wala akong nagawa sa kakulitan ng kaibigan ko. Napilitan akong ibigay ang cellphone ko, kung saan naka-display ang litrato ni Ninong.
“Sige na nga, pero huwag mong pagnasaan, ha!” sabay abot ko ng phone sa kaniya.
“Oh my gosh! Ang gwapo niya! Anong pangalan niya?” halos pasigaw niyang tanong.
“Bakit mo inaalam?” medyo naiirita kong tugon.
“Deal tayo.”
“Deal? Anong deal na naman ‘yan?”
“Isang buwan. Kapag hindi ko siya napaibig—este, natikman, you win. Sa’yo na ang kotse ko.”
“Baliw ka! Pati sasakyan idadamay mo?”
“Kaya nga deal, ‘di ba? Pero ‘pag nagawa ko, talo ka.”
“At kapag natalo ako?”
“Simple lang,” ngumisi siya. “Tutulungan mo akong maging girlfriend niya.”
“Sorry, hindi ko ‘yan magagawa. Kung gusto mo talaga siya, walang deal. Subukan mo kung papatulan ka niya—pero sa pagkakaalam ko, isang babae lang ang gusto niya.”
“Talaga? Sino ‘yong babae na ‘yon? Aalisin ko siya sa landas namin.”
“Magtigil ka nga!”
“He’s mine! Alam mo namang hindi nakakalusot sa akin ang mga hot at gwapong lalaki.”
Saka ako tinalikuran ni Addison.
Napahawak ako sa sentido ko. Bakit ko pa ba ipinakita sa kanya ang litrato ng ninong ko? Paano kung totoo ang sinabi niya at patulan niya ito? Lahat halos ng gwapo sa campus, nagawa na niyang paikutin. Sanay na sanay si Addison sa mga lalaki—at kung ganon, baka hindi na imposibleng maagaw niya ang lalaking mahal na mahal ko.
Kaya buong araw akong balisa. Unti-unting napuno ng takot ang puso ko, at ang kabang iyon ay nadala ko hanggang sa paglabas ko ng silid-aralan. Para akong wala sa sarili habang naglalakad sa pasilyo; kahit ang mga kapwa ko estudyante ay hindi ko na napapansin dahil kung saan-saan lumilipad ang isip ko.
Bigla kong narinig ang isang malakas na tili.
“Oh my God! Naririto siya!”
Lumingon ako sa pinagmulan ng boses at nakita ko si Addison — halos tumatakbo ito papalapit kay Ninong Ruins. At bago pa ako makagalaw, niyakap niya ito nang mahigpit at walang pag-aalinlangang hinalikan sa labi.
Natigilan ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. May kung anong matalim na tumusok sa puso ko, at bago ko pa namalayan, unti-unti nang dumadaloy ang mga luha sa aking pisngi.
RUINS POV.
Samantala, dahil hindi ko inaasahan ang ginawa ng babae, hindi agad ako nakapag-react. Nang makita kong luhaan ang inaanak ko, saka lang ako natauhan at mariing itinulak ang babae palayo. Agad din akong naarma nang tumalikod siya at tumakbo.
“Sandali, saan ka pupunta?” Hinila ako ng babae — hindi ko siya kilala, pero sa unang tingin pa lang, alam kong sanay na sanay siya sa mga lalaki.
“Pakawalang babae,” mariin kong sabi sabay tulak sa kanya, tinapunan ko pa ng nakakadiring tingin.
“Tinawag mo akong pakawala?!” sigaw nito, halatang nasaling ang pride. Kaya tuluyan na akong humarap sa kanya.
“Bakit, hindi ba totoo? Basta ka na lang nanghahalik ng lalaki! Akala mo ba magugustuhan kita? Mukha kang uhaw sa pansin ng mga lalaki!” mariin kong sabi bago siya muling tinulak at mabilis na nilampasan.
Naririnig ko pa ang malakas na tawanan ng mga estudyante sa paligid.
“Malandi! Akala yata niya lahat ng lalaking matipuhan ay mapapaibig niya, pweh!”
“What did you say?”
“Sabi ko—wala kang hiya! Lahat yata ng lalaki dito sa campus, pinaikot mo na! Kadiri ka, nakakahiya ka sa mga babae!”
“Walanghiya ka!”
“Oops! Sige nga, kung gaano ka katapang! Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ‘to. Ngayon, ipakita mo kung sino talaga ang mas matatag sa atin!”
Bahagya akong lumingon at kitang-kita ng mga mata ko kung paano sinampal nang sunod-sunod ng babaeng galít na galít ang babaeng humalik sa akin. Gusto ko sanang awatin, pero pinigilan ko ang sarili ko. Baka isipin pa ng babaeng iyon na may gusto rin ako sa kaniya.
Bagsak ang balikat kong sumakay ako sa Hummer jeep ko. Mula noon, hindi na muling nagpakita sa akin si Jamilah.
Kahit alam kong nagtatampo siya, hindi ko mapigilang puntahan siya sa bahay nila. Dumaan muna ako sa flower shop at nagpagawa ng bouquet—mga bulaklak na alam kong paborito niya.
Pagdating ko sa bahay nila, si Pareng Sid agad ang sumalubong sa akin.
“Para kanino ang mga bulaklak na ’yan?” tanong niya habang nakangisi.
“Alangan namang para sa ’yo,” sagot ko nang may halong biro.
“Loko! Kaya nga ako nagtatanong, eh. Wala pa rito ang inaanak mo.”
“Pero kanina pa siya umuwi. Galing ako sa school niya—nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, tapos bigla na lang niya akong nilayasan at umuwi rito,” paliwanag ko.
“Kung ganun, nasaan siya ngayon? Mukhang uulan pa naman, ang dilim ng kalangitan,” sabi ni Sid habang napatingala.
“Hahanapin ko siya.” Agad akong tumakbo pabalik sa sasakyan. Nagsisimula nang pumatak ang ulan at ramdam ko ang pabilis nang pabilis nitong buhos. Hindi ko mapigilan ang pag-aalala kay Jamilah. Saan kaya siya nagpunta? Bakit umalis nang hindi man lang hinintay ang paliwanag ko?
Binaybay ko ang kalsada pabalik sa eskwelahan niya. Sa bawat patak ng ulan na tumatama sa windshield, mas tumitindi ang kaba sa dibdib ko. Ang mga ilaw sa daan ay nagl blur sa gitna ng ulan, at kung anu-anong masamang pangitain ang pumapasok sa isip ko.
Malapit na ako sa intersection nang mapansin ko ang isang babae sa gitna ng ulan. Naglalakad siya na para bang wala siyang pakialam sa paligid. Papatawid na siya sa pedestrian lane, at ilang segundo na lang ay magre-red light na ang tawiran.
Kaya sinagad ko ang silinyador at huminto mismo sa tapat niya. Saktong nag-green light, kaya nagkagulo sa paligid—mga busina, preno, at ang nakabibinging ingay ng mga gulong na kumayod sa kalsada.
Mabilis akong bumaba at agad siyang niyakap. Ramdam ko pa rin ang kaba at takot sa dibdib ko.
“Itabi mo ang sasakyan mo! Nakakaabala kayo, d’yan pa kayo naglalandian!” sigaw ng isang galit na driver.
Hindi ko na pinansin. Binuhat ko si Jamilah at mabilis na isinakay sa loob ng kotse. Pagkatapos ay umikot ako sa kabilang side at agad sumakay sa driver’s seat.
Mabilis kong pinaandar ang sasakyan palayo sa lugar. Nang malapit na kami sa bahay nila, saka ko lang binagalan ang takbo.
Pareho kaming basang-basa at nanginginig siya sa ginaw habang nakayuko. Sa puntong iyon, hindi ko na napigilan ang sarili ko at mahigpit ko siyang niyakap.
“I’m sorry, baby. Hindi ko naman kilala ang babaeng ‘yon. Nabigla lang ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakapag-react. Pero hindi ibig sabihin nagustuhan ko ang halik niya. Sa totoo lang, nandidiri ako. Halata namang pakawalang babae—basta makakita ng gwapo, nanghahalik agad.”
Bahagya siyang lumingon sa akin, nanginginig pa rin ang labi.
“G-Gusto ka po niya, Ninong ko.”
“Ha? Paano mo naman nasabi ‘yon? Kilala mo ba siya?”
“Opo… classmate ko siya. At lahat ng lalaking nagustuhan niya, nagiging karelasyon niya. Sabi pa nga niya, kapag nanalo siya sa pakikipag-deal sa akin, ibibigay daw niya ang kotse niya.”
Sa aking narinig ay tila napalayo ko si Jamilah; itinutok ko ang tingin sa mukha niya. “Ibig mong sabihin nakipag-deal ka sa babaeng iyon?” tanong ko.
“Hindi po,” sagot niya. “Pero makulit siya — sinasabing sa kaniya ka na raw kasi marami siyang nakukuha na hindi makukuha ng iba.”
“Lumayo ka sa babaeng iyon. Bad influence siya sa’yo.” Napabuntong-hininga ako. “Hindi ko siya papatulan kahit maghubad pa siya sa harapan ko. Nakakadiri ang ganoong ugali.”
Iniayos ko ang aking upuan, saka marahang binuhat siya at ipinaloob sa aking kandungan. Napasinghap siya sa gulat, ngunit bago pa siya makapalag ay niyakap ko na siya nang mahigpit — parang ayaw ko na siyang pakawalan. Ang lamig ng aircon ay wala nang bisa nang magdikit ang aming mga katawan. Nang lumapat ang basang katawan ni Jamilah sa dibdib ko, tinalo ng init ng kanyang balat ang ginaw na kanina’y bumabalot sa amin. Mabilis naglagablab ang init ng pagnanasa at sinibasib ko siya ng makapugtong halik. Agad din naman siyang tumugon at doon mismo sa loob ng Hummer Jeep, ay sinamba ko ang malusog niyang dibdib.
“N-Ninong ko…” tawag niya sa akin na may kasamang ungol.
“Baby ko…” mahina kong sambit, halos maputol ang boses ko sa pagitan ng kaba at pag-aalinlangan. Dahan-dahan ko siyang inilayo sa aking dibdib. Ang mga mata niya, puno ng tanong, ay nakatitig lang sa akin. Ngunit nanatili siyang tahimik—marahil nagtataka kung bakit bigla akong huminto.