PAMIMILIT NG KASAL RUINS POV. NASA loob kami ng isang pribadong restaurant. Kasama ko si Tol Sky at ang apat naming bodyguard na nakaabang sa labas. Kaharap ko si Addison, at kasama naman niya ang dalawang lalaking halatang mga bodyguard din. Kapansin-pansin ang paraan ng pagtitig niya kay Tol Sky, matiim, malagkit, at puno ng lantad na paghahangad. Talagang kakaiba ang babaeng ito; sobra kung kumapit sa sinumang lalaki. Ngunit hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin. Bigla siyang lumapit at walang pasabing umupo sa kandungan ko. Mabilis ko siyang naitulak, dahilan para mahulog siya sa sahig. Mabilis din akong tumayo at hinablot ang cellphone ng isa sa mga kasama niya. Gusto na naman yata gawan ako ng panibagong scandal. “Gagawa ka pa ng video? Ipapadala mo sa asawa ko, gano’n

