BAGONG TARGET NI ADDISON AMILLAH POV DALAWANG linggo na ang nakalipas mula nang aminin sa akin ni Ninong Ruins ang tungkol sa naging paghaharap nila ni Addison, pati ang baliw na plano ng babaeng iyon. At ngayon, isang lalaki ang nasakote ng mga tauhan ni Papa matapos magpanggap na miyembro ng grupo. Mula pa pala sa simula, alam na ng team leader na hindi nila ito kasamahan. Pero hinayaan nila itong makapasok sa semi-mansion, at agad iyong ipinaalam kay Papa. Of course, I’m Jamillah… there’s no way I’d just sit back without knowing anything. Kaya lihim akong bumaba sa basement. I could feel that I was about to uncover something… something that would finally reveal what that man was really after. Madilim doon, may kakaibang amoy na parang pinaghalong lumang kahoy at kalawang, at sapat

