JAY ROYZ POV. SIMULA nang mangyari ang aksidente, tuluyan na akong nagbago. Ayaw kong pinakikialaman… ni lapitan man lang. Kahit ang mga taong nakapaligid sa akin, para bang naging multo sila sa paningin ko. Isang buwan pa lamang ang lumilipas mula nang tuluyang bumalik sa normal ang aking mga paa, ngunit sa loob ng panahong iyon, biglang dumami ang mga babaeng pilit na nagpapapansin, mga flirt na wari’y walang ibang layunin kundi guluhin ang tahimik kong mundo. Isang linggo pa lang magmula nang makabalik ako mula sa Malaysia. Isang buong taon akong nanatili doon, sa lugar na ‘yon nangyari ang aksidenteng halos sumira sa buhay ko. Dahil dito, kinailangan kong manatili ng maraming buwan sa bansa Malaysia, para sa gamutan. Umabot pa ng labing-isang taon bago ako tuluyang nakalakad muli.

