Hindi ako umimik at patuloy ko lang siyang tinitigan. "Describe him again." hindi lang man niya narealize ang nasabi niya. "M-Matangkad siya." kinakabahang sagot ko at hindi na nakapagisip ng kahit ano. Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang tanungin tungkol doon. Basta natatakot akong mabago ang ano mang pagkakakilala ko kay Jin. Kahit isipin ko mang hindi, alam ko sa loob loob ko kung ano ano na ang naiisip kong ideya patungkol sa kanya. "That's all?" tumaas ang isang kilay niya na para bang hindi satisfied sa sagot ko. Halata ang pagka curious niya sa mga tanong niya sakin patungkol sa taong yon. Magsasalita palang sana ako ulit nang may tumunog sa mula sa kwarto niya. Agad tumayo si Jin at pumasok sa kwarto niya. Nataranta din ako kaya sinilip ko kung ano ang titingnan n

