Kaaalis lang ni Shin at kaming dalawa nalang ang natira ni Jin. Kakagising ko lang at kasalukuyan kong pinapanood si Jin na nasa sala. Naka benda parin ang kamay niya at halatang nahihirapan sa ginagawa. Maraming papeles sa lamesa at pinangtatype ni Jin ang kanang kamay niya. Madalas na nandito si Shin at lagi silang may pinaguusapan sa kwarto niya kaya hindi ko na natatanong kung kamusta na ba ang kamay niya. Hindi pa pala magaling yon. Nakita ko ang mabilis na pagdaing niya nang nasanggi ito sa dulo ng table pagtayo niya. Napatigil siya nang mapatingin sakin. "You're up." bungad niya. "Hmm. Anong ginagawa mo?" "School works." tumango ako. "Saan ka pupunta?" kita ko ang nasa kanang kamay niya na isang itim na tumbler. "Tubig? Ako na." hinablot ko sa kanya yon at dumiretso ng kusina.

