Kinagabihan ng araw ng mabaril si Jin ay agad siyang dinala ni Shin sa isang Ospital malayo sa syudad, kalapit na ito ng hometown ni Shin at tingin niya ay mas ligtas ang lugar na ito para kay Jin. Kakagising lang ng kaibigan mula sa isang operasyon. Mabuti nalang ay hindi malalim ang tama sa kanyang balikat at hindi naging komplikado ang kanyang lagay. Ayos na kahit papaano ang kanyang pakiramdam. "Hanggang kailan ka ba kasi magpapakabayani pre?" ani Shin habang nakahalukipkip at nakaupo sa sofa at naka dekwatro. Hindi umimik si Jin habang kaharap ang isang laptop at patuloy lang ang pag access ng mga impormasyon sa website ng pulisya at sa villa ni KED. "Noong una nabaril ka sa braso, sabi mo kay Liz daplis lang. Anlalim pa ng tama mo non. Tapos ngayon sa balikat mo. Paakyat ng paak

