Malakas na sinuntok ni TJ ang kanyang lamesa sa loob ng kanyang opisina sa barracks. Ang kanyang kaibigan na si Gian Faulkner na kasama niya magpunta ng Pilipinas para sa misyon ay halos matakot sa klase ng aura nito. "Kinontak ako ni Major General, pinapabalik na tayo ng u.s" panimula ng kaibigan. "Tapos na ang kaso, TJ. Kailangan na nating umalis." "Hindi pa siya nahuhuli!" inis na sagot niya. "Lumipad na pa Russia ang mga tauhan ni KED, alam mo naman na hindi taga rito ang mga tauhan niya at kapag bumalik na sila ng Russia wala na tayong magagawa dahil malakas ang impluwensya ng pamilya niya doon. Halos kasabwat ng mafia nila ang gobyerno kaya kahit sundan natin sila wala na tayong magagawa." paliwanag ni Gian. Nagsalubong ang kilay ni TJ at hinarap ang kaibigan. "Wala akong pakiala

