Max’s POV Sa totoo niyan hindi ko naman talaga susundin si Corazon sa payo niyang wag ko nang susuotin ang cargo pants ko, ang buhok lang naman na pinaayos niya sa akin ang hindi ko ginalaw, pero si mama bago ako pumasok hindi niya ako pinapalabas hangga’t hindi ako nagsusuot ng ayos na damit na bagay sa ayos ng buhok ko. Meron na palang ga’nun? Ngayon ko lang naman, buti hindi ako na-late, ito ngayon nakasuot ng bistidang light green at pinatong ko uli ‘yong black leather jacket ko, ang ganda tignan eh and then nakasuot ako ng keds kong sapatos na kulay puti. Isa pa ayaw ko pagnag-susuot ng ganitong damit, pinagtitinginan ako ng mga lalaki, pakiramdam ko namamanyak ako, simula nang makapasok ako sa campus hanggang sa pagdaan ko sa hallway dahil pupu