Red Alert

1329 Words
Max’s POV             Bad trip na bad trip talaga ako sa lalaking ‘yon, sabi ni Ms. Gevara, marunong gumalang sa babae ‘yon ba ang marunong gumalang at mabait, salungkat ata sa pagkakakilala ko sa Eleven na ‘yon ang pangit pa ng pangalan niya, tama lang ang ginawa ko sa kanya sa pagpapahiya at paninigaw niya sa akin kanina na akala mo kong sino.             “Andito na ako,” pagkapasok ko sa bahay nang makauwi ako, marami pa akong kailangan tapusin kaya hindi ko na kailangan isipin ang manyak na ‘yon.             Pagkapasok ko sa bahay, nakita ko agad si mama sa sala, may hawak na papel habang katabi niya si Kuya na mukhang kakarating lang rin dahil hindi pa nagbibihis, mukhang malungkot sila sa hindi ko malaman na dahilan, lumapit ako sa kanila.             “Anong meron?” Tanong ko sa kanila saka ako umupo sa harapan ng dalawa, namamagitan sa amin ang lamesang bilog na gawa sa salamin.             “Sorry anak,” sabi sa akin ni mama, nag-aalala ako, napasulyap ako sa hawak niya at isang sobre sa lamesa. “Anak sinanla ko muna ang studio ng tatay ninyo,” malungkot niyang balita.             “Huh?” Para akong nahawaan sa lungkot na nararamdaman nila, “bakit?” Tanong ko.             Ang studio kasi ni papa ang natitirang alaala namin sa kanya, limang taon na siyang patay dahil sa sakit niya sa dugo, isang music artist si papa kaya nadala namin ‘yon na magkapatid, si Kuya Q eh kasali sa banda at pareho kaming kinuhang kurso sa kolehiyo ay tungkol sa music arts para maalagaan namin ang studio pero nakakalungkot na sinanla ito ni mama, paano kong hindi namin mabawi ‘yon?             “Ma bakit muna man ginawa ‘yon?” Tanong ko uli at hindi ko maiwasang hindi manghinayang.             “Anak babawiin naman natin kong makaipon agad ako, isa pa mas kailangan ninyong mabayaran ang tuition fee sa school ninyo, isa pa sa pang-araw-araw pa nating pangangailangan, pagpasensyahan muna ako, at saka wala nang masyadong nagrerenta ng studio natin,” paliwanag niya.             Matagal na niyang gustong gawin ‘to pero ako lang ‘yong hindi pumapayag, madalas kasi ako roon sa studio, daddy’s girl kasi ako, sabi pa nga niya sa akin gusto niyang magkaroon ng dalawang lalaki kaya nagsusuot din ako ng mga ganitong damit, siya rin ang tumatawag sa akin ng Max kaya ayokong tinatawag ng Maxine.             “Wag ka nang malungkot Max, tama naman ang ginawa ni mama, kailangan talaga natin ‘to, tulungan na lang nating siyang mabawi ang studio,” pagkukumbinsi sa akin ni Kuya Q.             Wala naman kaming magagawa dahil wala namang tutulong sa amin, ayaw sa amin ng side ng family ni papa, galing kasi siya sa mayamang pamilya, samantalang si mama naman galing sa hirap na kahit sa side ni mama hindi ko alam kong makakatulong sa problema namin. Hindi naman kami ganito dati dahil madiskarti si papa, nang mawala lang siya naghirap na kami.             “Wala tayong magagawa, na andyan na yan, magtulungan na lang tayo,” sabi ko sa kanila. PAGKATAPOS naming maghapunan na magkakasabay, dumiretso na ako sa kwarto ko para tapusin ang pinapagawa sa akin ni Kean, hindi ako makapag-concentrate dahil inaalala ko kong anong pwede kong ibenta sa mga gamit ko, kong ang regalo ba sa aking acoustic guitar ni papa, o yong drum set ko, pwede rin namang ‘yong piano ko o kaya ‘yong electric guitar.             “Pero regalo sa akin lahat ‘to ni papa,” sabi ko sa aking sarili, lahat ng gamit ko na mamahalin pinag-ipunan ni papa para iregalo sa akin, ‘yong mga malalaking plaka ng turn table at ‘yong polaroid ko kay papa galing.             Napasimangot ako, “bakit hindi na lang ‘yong scooter ko na lang kaya ang ibenta ko, sayang din ‘yon, total galing lang naman sa ipon ko ang pinagbili ko roon.” May ideyang pumasok sa akin, “maraming mayaman at tamad sa school, hangga’t na andyan sila mabubuhay ako at makakaipon, para hindi magkaproblema sa pangbaon si mama sa amin, tama.”             Muli akong bumalik sa laptop ko at ganado akong tinapos ang project ni Kean. Sinalpak ko naman ang sd card na galing sa dslr dahil baka may kailangan akong i-edit na scoop. Isa-isa kong tinitignan nang makita ko ang litrato ni manyak.             Hindi ko maiwasang hindi matawa sa itsura niya rito, mukha talagang manyak, napasulyap ako sa printer at puno pa ang ink, marami pa akong bond paper, isang ideya ang na isip ko, “lagot ka sa akin ngayon,” bulong ko sabay edit ng litrato niya sa laptop ko.             Elven’s POV             Bago ako bumaba ng kotse ko sinuot ko ang shades ko, baka mamaya pagkamalan akong binugbog ng kong sino lang at magkabilaan na ang black eye ko. Pagkababa ko at papaalis na ako sa parking lot nang may masalubong akong baklang kabayo.             Nagpapacute pa sa akin na akala mo tunay na babae, nakakalibot at napangiwi ako lalo na nang malapit na siya sa akin.             “Manyakin muna man ako,” sabi niya nang magkasalubong kami.             Natigilan ako, “kadire ‘tong baklang ‘to ah,” napayakap na lang ako sa sarili ko at naglakad.             Pansin ko lang marami akong nakikitang nakatingin sa akin, syempre sino ba naman ang makaka-resist sa gwapong nilalang na naglalakad sa harapan nila, pero pansin ko lang ‘yong ibang babae umiiwas sa akin at may iba naman na nagpapa-cute, dude halata naman na gusto nila ako.             Pagkapasok ko sa building, napansin ko ang mga litratong nakadikit sa bulletin board, nagulat ako at nilapitan, ako ‘to habang tulog na tulog sa sahig, may black eye pa ang kanan kong mata, may nakasulat pa sa baba na: THE NEW FACE OF MANYAK.             “Sino may gawa nito!?” Sigaw ko, halos lahat ng estudyante napapatingin na sa akin, inalis ko agad ilang papel, napansin kong nakadikit pala siya sa kong saan, ang dami nila, naalala ko kong sino ang gagawa nito sa akin, ‘yong tomboy na ‘yon, nanggigigil ako sa inis sa kanya.             Nakita kong papalapit sa akin ang mga kaibigan ko, halata naman sa mga mukha nilang natatawa sila sa akin at sa nangyayari, lalo na si Fraynard.             “Ano po bang pakiramdam ng sikat ka na sa buong campus?” Pang aasar niya sa akin.             “Ay hindi, ano po bang pakiramdam na kalakip ng pangalan mo ang salitang manyak?” Seryosong tanong ni Jojan sabay tawanan sila.             Sinulyapan ko si Corz na nagpipigil ng tawa sa gilid, “na saan na siraulong tomboy na ‘yon!?”             “Bakit siya ang hinahanap mo, oyyyy may gusto ka na sa tomboy na ‘yon,” pang aasar sa akin ni Kent.             “Isa pa, Kent-tot, isa pa at masasapak kita.”             “Bring it on,” pang gagaya niya sa akin, “ni hindi ka nga nakapalag sa kanya.”             “Hindi ko gusto ‘yon at hinding-hindi ako magkakagusto over my handsome face, hinding-hindi, mamamatay na lang sana ako kong siya makakatuluyan ko!”             “Wee, hindi nga,” side comment ni Corz.             “Isa ka pa, na saan na ‘yon?”             “Ano ka ba Elven, hindi muna man na siya ang gumawa niyan, makahusga ka?”             “Aba-aba pinagtatanggol mo pa ‘yong tomboy na ‘yon.”             “Pero Elven kailangan mo siya, siya ‘yong hinahanap mo,” sabi niya.             “Hindi na, kahit na kailan hindi ko siya kukuning cover girl sa kompanya namin, tomboy siya, walang ga’nun doon, ano bang pangalan ng tomboy na ‘yon!” Nanggagalaiti talaga ako sa inis na halos mapunit na ang papel sa kamay ko.             “Max,” mabilis na sagot ni Corz.             “’Yong buong pangalan Corazon.”             “Maxine Salonga?” Nag-aalangan na sagot ni Corz.             “Maxine Salonga pala ah, pwes lagot sa akin yang Maxine na yan,” matitikman niya kong paano maghiganti si Elven Monforte. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD