Another One

1742 Words
Max’s POV             Kinunan ko pa siya ng litrato bago ako umalis, buti nga sa kanya, sasabihin pa niyang hindi siya manyak samantalang nakita ko na nga siya. Pagdating ko sa office ng the Blooms, nadatnan kong na roon na pala si Corz, nagkatinginan kami.             “Buti naman at na andyan ka na,” sabay lapit sa akin, hindi naman halata sa mukha niyang excited siya diba na makita ako, ano naman kayang kailangan ng isang ‘to?             “Bakit?” Sabay taas ng isa kong kilay sa kanya, alam kakaiba rin ‘tong babaeng ‘to mukhang ayaw ko siyang makausap pero kinakausap pa rin niya ako, siya nga ata ang palaging kumakausap sa akin dito.             Nilapag ko ang bag ko sa gitnang lamesang nakalagay roon sabay lapit sa table na nakalaan sa akin dito, sunod-sunod lang siya sa akin habang may hinahanap ako sa mga nakapatong na papel sa lamesa.             “Naalala mo ‘yong isyu ng the Blooms na ikaw ang cover,” natigilan ako sa sinabi niya.             Napasulyap ako sa kanya, ‘yon na ata ang araw na hindi ko makakalimutan, hindi dahil pinasuot nila ako ng bistida at nilagyan ng make-up, ginalaw ang aking buhok, dahil inis na inis ako, baguhan pa ako sa kanila, wala silang makuhang dyosa kuno ng environment at ako pa talaga ang ginawa nilang maging cover ng isyung ‘yon.             Bwisit na bwisit ako no’n at umabot kami ng maghapon sa pagshoot lang ng dalawa o tatlong litrato, dahil kating-kati ako no’n sa mga pinaglalagay nila sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin napangiwi naman siya dahil sa ginawa ko, binayaran nila ako no’n pero pinapangako kong hindi na ‘yon mauulit.             “Bakit kailangan mo pang ipaalala sa akin, aber?” Sarkastiko kong tanong sa kanya at tuluyang napunta sa kanya ang atensyon ko.             Para siyang natatakot sa presensya ko at napapansin kong dahan-dahan siyang lumalayu sa akin. Huminga siya ng malalim at napalunok.             “Diretsuhin mo nga ako Ms. Gevara kong hindi kakalbuhin---”             Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya na akala mo may humahabol sa kanya.             “Kong pwede bang mag-cover ka uli, pero this time big time ka dahil FAME magazine ang naghahanap sayo.”             “Ano!?” Gulat kong bulalas dahil sa narinig ko, “niloloko mo ba ako?”             “Hindi,” sabay iling niya, “Max please payagan muna man silang gawing kang cover, nakita kasi nila ‘yong isyu natin na ikaw ang cover, naghahanap sila ng bagong model o cover girl, isang isyu lang naman o dalawa tapos ok na, sa totoo niyan ‘yong mismong anak ng may-ari ng magazine na ‘yon ang naghahanap sayo.”             “Talaga?” Hindi ako makapaniwala na umabot sa kanila ang isyu naming ginawa.             “Oo, tapos nagandahan siya sayo, mala-dyosa raw ang ganda mo, sana pumayag ka o kahit kausapin mo man lang siya para rito, babayaran ka niya sabi pa nga niya name your prize kong sakaling pumayag ka,” paliwanag niya.             “Maganda ang over ah,” sabi ko.             “Oo nga eh, ano payag ka?” Ngiting-ngiti siya sa akin.             “Hindi.”             “Ano?” Gulat niya na parang na dismaya ang sagot ko.             “Ayoko, ayoko, ayoko, ayoko nang maulit ‘yong pinag gagagawa ninyo sa akin, ang sakit kayang tanggalan ng kilay, ikaw kaya,” reklamo ko sa kanya, “isa pa, kahit malaki ang over niya hindi ako papayag, nakakakain pa naman ako ng limang beses sa isang araw, may pangbaon ako at may pera ako, hindi ko kailangan ng pera niya para lang maging tanga sa mga cover-cover na yan.”             “Please naman Max,” tapos pinaglapat niya ang dalawa niyang palad na para bang nagdadasal siya, “kahit kausapin mo lang siya, mag-usap lang kayo, siya ang magpapaliwanag ng lahat sayo, kong pumayag ka edi ayos kong hindi nasa kanya na ‘yon, gusto ko lang talaga tumulong sa kanya, isa pa rito lang siya sa campus natin nag-aaral.”             “Talaga?” Napaisip ako, pwede naman na kausapin lang para sabihin sa kanya na hindi ako papayag para tigilan na ako ng babaeng ‘to, bigla kong naalala ‘yong manyak na suntok ko kanina. “Hindi ba yan manyak?”             Halatang nagulat siya sa tanong ko, “hindi, mabait siya lahat ng anghel mahihiya sa kabaitan niya, isa pa may galang siya sa mga babae, wag kang mag-alala na andoon ako habang kausap ka niya.”             Ilang minuto akong nag-isip saka ako sumagot, “sige, makikipag-usap ako sa kanya----”             “Yehey!” Para siyang batang nagtatalon sa harap ko.             “Hep, hep---”             “Hooray!”             “Gusto mo sapak,” tumigil na siya dahil sa banta ko, “hindi ko sinabing pumapayag na ako ang sabi ko makikipag-usap pa lang.”             “Sabi ko nga, pero na-feel ko maganda ang magiging resulta nito, hihintayin kita rito at para dalhin kita sa kanya.”             “Oo, ikaw na ang bahala, whatever. Teka anong pangalan niya?” Tanong ko, kamuntik ko nang makalimutan.             “Elven Monforte.”             Bigla akong napaisip sa sinabi niya, “panglabing-isang anak ba siya sa pamilya nila?”                       Nagtaka si Corazon sa tanong ko, “huh, bakit mo natanong? Saan mo nakuha yan?”             “Sabi mo kasi Eleven,” inosente kong sagot.             “Elven, hindi Eleven.” Pagtatama niya sa akin.             Elven’s POV             “Whahahahaha!”             Ito na naman, naririnig ko na naman ang mga mala-demonyong tawa ng mga kaibigan ko. Kakaalis lang namin sa clinic, nagising na lang akong nakahilata roon, ‘yon pala nakita ako nong isang janitor na nakabulagta sa sahig sa labas ng cr.             Yong tomboy na ‘yon ang may kasalanan kong bakit pinagtatawanan na naman ako ng mga ito dahil may black eye ako sa mata, ang gwapo kong mukha dinumihan lang ng siraulong tomboy na ‘yon.             Hindi naman talaga ako naninilip kanina, pagpunta ko sa banyo may narinig akong kakaibang ingay, parang ungol, akala ko may gumagawa ng milagro sa cr ng mga babae, akala ko may live show kaya pinuntahan ko, eh mali pala ako dahil nagtatangalan lang pala ng mga buhok sa kili-kili ang aking nakita.             “Katol pa dude!” Pang aasar sa akin ni Kent-tot, pati ang tungkol doon na ikwento ko na hindi naman dapat.             “Sige tawa pa kayo, Kelly ipaglaban muna man ako sa gumawa nito sa akin,” sabay harap ko kay Kelly na nakikitawa.             “Ayoko, sabi mo babae kong lalaking pumporma ‘yon, ibig sabihin babae pa rin ‘yon, tama lang yang ginawa niya sayo, gusto mo dagdagan pa natin,” pagbabanta niya pero tawa pa rin siya ng tawa.             Kinalibutan ako, ayokong masuntok ni Kelly, baka magkasakit ako, matindi ‘to sa amin kahit na tatahi-tahimik lang.                 Pasimple ko nga tinatakpan pag-may dadaan na babae sa harapan ng lamesa dahil nasa canteen na naman kami, tambayan kong baga.             Si Kelly at Kent-tot lang ang kasama ko dahil wala ang iba may ibang pinagkakaabalahan. Nakita ko naman na kakapasok lang sa canteen ni Corz, nang makita niya kami agad siyang lumapit sa amin habang ngiting-ngiti.             “Elven good news, teka anong nangyari sa mata mo?” Tanong niya.             “Mahabang kwento, sako ko na lang ipapaliwanag kong paano ko ‘to nakuha, ano ba yang good news mo?” Tanong ko sa kanya.             “’Yong hinahanap mong model na ipangtatapat mo kay Ara kasama ko na,” masaya niyang balita sa amin.             Natuwa ako at the same time kinabahan, bigla kong naalala ang maganda niyang mukha tapos ang black eye ko, parang nawala ang lahat ng saya ko, paano ako nito magpapa-good shot sa kanya kong may black eye ako, kasalanan nga kasi ng tomboy na ‘yon.             “Na saan na siya?” Tanong ko.             “Wait lang nagbanyo kasi, pero sabi ko sumunod siya sa akin, ay minute na andito na siya,” parang mas excited pa siya sa akin, “pero paalala lang wag ka sanang mabibigla.”             “Sanay na akong mabigla, sa kagandahan niya.”             Palinga-linga si Corz kaya tumingin-tingin na rin ako sa paligid habang inaayos ang suot ko.             “Ayan na pala siya,” sabay turo ni Corz sa pintuan ng canteen, natigilan ako at Nabigla, sobrang gulat na gulat, akala mo kong sinong dyosa.             “Yan ‘yong sumuntok sa akin dahil nanilip daw ako!” Sigaw ko sabay turo sa tomboy na paparating sa amin.             Nang makita niya ako, nanglisik ang mga mata niya, “ikaw na naman manyak!”             Max’s POV             Lumapit agad ako kay Corz habang umusok ang ilong ko sa inis at galit at nakita ko naman ‘tong manyak na ‘to, kitang-kita ang ebidensya sa mata niya na nanilip siya, pinagtitignan ako ng mga kasama niya, siya lang talaga ang mukhang manyak.             “Teka, magkakilala kayo?” Nakangiwing tanong ni Corz.             “Wala akong ka kilalang manyak na katulad niya,” komento ko.             “Wala naman akong kilalang,” sabay tingin sa akin mula paa hanggang ulo, “babaeng naging lalaki, tomboy.”             Natigilan ako sa sinabi niya, pinapakalma ko ang sarili ko dahil kunti na lang pwede na siyang maging panda. “Ms. Gevara, pakidala na lang ako sa taong gustong kumausap sa akin.”             “Sorry Max pero siya ‘yong sinasabi kong kakausap sayo.”             Lalo akong nagulat, “ano!? Itong manyak na ‘to si Eleven na sinasabi mong mabait, kanina lang nakita ko siyang naninilip sa cr ng girls, mahihiya nga ang demonyo sa kasamaan ng ugali niyan.”             “Palibhasa kasi hindi ikaw ‘yong nasilipan kaya ka nagkakaganyan,” sabi niya sa akin.             “Isa pa manyak, magiging panda ka na sa akin,” pagbabanta ko sa kanya.             “Kelly humanda ka,” sabi niya.             “Huh?” Pagtataka ng lalaking mas matangkad sa kanila na medyo payat.             “Sige lang toms, bring it on,” mapanghamon niyang wika.             “Bring it on pala ah,” sinapak ko agad siya sa kaliwa naman niyang mata, natumba agad siya at sinalo siya ng dalawa niyang kaibigan lalaki.             “Max, jusko anong ginawa!?” gulat na gulat na si Corz. Pati ang dalawang lalaki na sumalo kay Eleven the manyak gulat na gulat sa ginawa ko.             “Hindi na ako makikipag-usap sa inyo, sa inyo na ang pera ninyo, inubos lang ninyo ang oras ko.” Sabi ko sabay walk-out ‘yong pang siga para dramatic.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD