Elven’s POV
Katulad ng napag-usapan namin, tinulungan ako ng mga kaibigan ko na maghanap ng ipangtatapat kay Ara, para sa akin walang nang ipangtatapat kay Ara---teka lang bakit ko ba siya iniisip, galit ako dapat sa kanya galit ako sa kanya, oh well, namimiss ko na talaga siya.
Gusto ko siyang makausap, pero ito ako mukhang tanga, wala na nga, iniisip ko pa rin siya. Napasulyap ako sa mga kaibigan ko na may kanya-kanyang ginagawa, si Corz lang naman ang matino kong nakakausap dito, nagyaya pa silang sa bahay gawin ‘to, para ano, ubusin ang pagkain sa ref namin, ang kakapal ng mga mukha.
Nakalatag sa lamesa ang mga litrato na ka kilala ni Corz, hindi ko nga kong siya niya ito pinagkukuha. Tumabi sa akin si Kent-tot habang kumakain ng lays namin na kinuha niya sa kusina.
“Ang papangit naman ng mga yan, tignan mo ‘tong isa parang multo sa putla ng kulay, ito pang isa mukhang bakla, yan na ba ang definition mo ng maganda,” wika niya kay Corz.
Sinimangutan naman siya ni Corz at sinamaan ko siya ng tingin, “alam mo kong wala kang matinong sasabihin, lumayas ka rito at iwan yang lays na kinakain mo,” sabi ko sa kanya.
Napasulyap pa siya sa lays sabay yakap, “wag na hindi na ako magsasalita, sabi ko nga walang kwenta sinasabi ko,” sarkastiko niyang sabi sabay lapit kay Jojan na nakikipaglaro ng guitar hero kay Fraynard.
“Ano na Elven, magturo ka lang dyan kong alin ang type mo, at dadalhin kita sa kanila,” pagkukumbinsi sa akin ni Corz.
Huminga ako ng malalim, “sa totoo niyan wala akong type sa kanila, kong ipangtatapat natin ang isa sa kanila parang pagtatawanan naman ako niyan ni Ara at nila Kuya, dapat ‘yong malaki ang boobs, parang coke ang katawan at malaki ang puwet.” Kinukumpas ko pa sa harapan niya ang shape ng sexy na parang bote ng coke.
Napangiwi si Corz, “kadire ka, kamanyakan na yang nasa isip mo, ang FAME magazine is for teenage fashion magazine hindi sa mga kalalakihan na mahilig sa porn.”
“Ang sakit muna man magsalita, p**n agad, diba pwedeng entertainment magazine,” paghahabol ko, “wala na ba kasing iba?”
Napakamot siya sa batok niya, “wala talaga eh, yan lang ang alam kong pwedeng mag-modelling at pumayag sa kagustuhan mo na ipangtapat kay Ara.”
Huminga ako ng malalim at napahilamos nang may maalala ako, umayos ako ng upo at isa-isa kong tinaggal ang magazine sa ilalim ng lamesa, doon kasi nilalagay ang mga newspaper ni papa at magazine ni mama, doon ko rin nilalagay ang mga journal magazine na galing sa school namin.
Nang mahila ko siya, bago siyang isyu na may cover ng babae na parang dyosa, ito ‘yong isyu ng campus newspaper sa amin tungkol sa environment, makita ko lang ‘tong babaeng ‘to nagkacrush na ako sa kanya, kaso may Ara ako kaya hindi na ako nag-asikasong hanapin ang babaeng ‘to.
“Ito,” sabay pinakita ko kay Corz ang kopya ko at tinuro sa kanya ang dalaga sa cover.
“Siya?” Tanong ni Corz.
“Oo, siya, siya ang kailangan ko sa tingin ko perfect siyang maging cover girl.”
Para siyang nagulat sa pinakita ko, isa kasing member ng campus journalist si Corz sa campus namin kaya alam kong matutulungan niya akong mahanap ito, tinitigan ko uli siya, medyo gulo ang buhok niya na kulot at medyo mahaba na hanggang siko.
May suot siyang puting bistida na sleeveless na akala mo dyosa, ang mga mata niya ang gandang tignan, siya ang definition ng maganda at pinaghalong cute, hindi nakakasawang tignan.
“Hindi pwede,” nagulat ako at napasulyap kay Corz.
“Anong hindi pwede?”
Gulat na gulat pa rin siya, “hindi talaga pwede, iba na lang, wag siya.”
“Bakit naman? Ano bang course niya, education o nurse, hindi naman daring ‘yong magiging cover girl siya, hiniram ninyo ba siya sa ibang school, pakiusap naman kausapin mo uli, babayaran ko siya just name the prize, ibibigay ko sa kanya, maganda siya at sigurado akong matutulungan niya ako sa plano ko.”
Napailing siya, “Elven sa campus lang natin siya makikita.”
“Talaga, hindi ko pa siya nakikita, halos lahat ng babae sa campus nakikita ko na maliban sa kanya, sigurado ka ba o baka dyosa talaga siya.”
Matawa-tawa si Corz, “bro hindi ko alam kong mapapapayag ko uli siya sa bagay na ‘to, pero i-try ko, but wag ka munang umasa sa akin.”
“May tiwala ako sayo,” sabi ko sa kanya sabay sulyap muli sa journal magazine na may dyosang cover girl, hindi siya nakangiti pero parang nakangiti ang mga mata niya.
Max's POV
Tumunog ang bell sa buong campus, hudyat na tapos na ang klase namin sa retorika. Inayos ko ang bag ko at ang dslr na palagi kong dala, miyembro kasi ako ng the Blooms, ang pangalan ng campus journalist sa paaralan namin, isa akong photographer, dapat kasi saan ako magpunta sa loob ng campus, may makukuha akong scoop.
Papalabas na ako ng classroom namin nang sumabay sa akin si Kean at marinig ko na naman ang ingay ng bunganga niya, ka lalaking tao, ang daldal.
"Maxine---"
Sinamaan ko siya ng tingin nang tawagin niya ako sa pangalan, ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa tunay kong pangalan.
"Max pala, pwede bang magpatulong sayo?" Pagpapacute niya sa akin.
Hind ko siya kaibigan, ka klase lang sa ibang subjects at kasali rin siya sa the Blooms bilang cartoonist. Anak mayaman, kaya alam ko na kong anong kailangan niya sa akin, ang madalas din niyang gawin paglalapit siya sa akin.
"Ano na naman 'yon?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.
May ilang napapasulyap namin dahil kasama ko na naman si Kean, mga masasamang tingin ng mga babae, wala naman akong pake alam sa crush nila dahil kanilang-kanila na si Kean. Wala akong oras sa mga kalandian nila sa katawan.
"Simple lang naman, pwede bang i-english mo 'yong book critique ko sa english literature subject natin---"
"Isang libo lang naman," hinto ko sabay harap sa kanya, habang nalalahad ang isa kong kamay na para bang may iaabot siya sa akin.
Nagulat siya, "ano? Isang libo, dati 500 lang hinihingi mo ah," reklamo niya.
"Ayaw mo ata madali aking kausap," sabi ko sa kanya, ganito ako maghanao buhay habang nag-aaral ako, salat ako sa buhay, ang mga mayayaman at tamad na estudyante ang bubuhay sa akin, para maka-survive ako sa college.
"Ito na, ito na," kinuha niya ang bag niya na para bang may hinahalungkat siya.
Inabot niya sa akin folder at isang libro na para sa assignment niya, kaya ko 'tong tapusin pag-may vacant time ako.
"Bayad agad, tapos bago ko ibigay sayo 'to bukas dapat nakahanda rin ang large fries ko at large coke."
"Huh?" Parang hindi siya makapaniwala sa mga demand ko.
"Ayaw mo ata---"
"Hindi ito na oh," agad siyang nag-abot ng lumulutong na isang libong papel.
Agad kong nilagay sa bag ko ang binayad niya at ang inabot niya sa akin na gagawin ko. "Sige ibibigay ko na lang 'to sayo mamaya o bukas, itext na lang kita, basta pagsinabi ko pakihanda para makuha mo 'to, alis na ako may gagawin pa ako eh."
Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at naglakad na ako palayo sa kanya. Didiretso ako sa office ng the Blooms dahil may naiwan akong gamit doon para sa sunod kong klase.
Dire-diretso lang ako at wala na akong nakakasalubong na estudyante, pero nang lagpasana ko ang banyo muli akong bumalik nang may mapansin akong kakaiba, paatras akong bumalik at hindi nga ako nagkamali.
May isang lalaki ang naninilip sa banyo ng girls, nag-init ang ulo ko sa aking nakikita, nangangati ang kamao kong manuntok ng mukha ng isang manyak. Hinintay ko siya hanggang sa umayos siya ng tayo at umalis sa paninilip, nakita niya ako agad.
Nagulat pa siya nang makita ako, tinignan niya ako sa mula paa hanggang ulo, "aba bastos ka ah!" Sigaw ko sa kanya.
"Huh? Anong bastos na pinagsasabi mo?"
"Nagmamaang-maangan ka pa, kitang-kita kita naninilip ka sa banyo ng girls!"
"Huh ako!? Hindi ah, ni wala nga akong nakitang live show sa loob, wag mo akong sigawan tomboy, hindi mo ako kilala!?"
Lalo akong na inis sa sinigaw niya, tomboy daw, ang mga tao talaga ngayon iba na mag-isip, nakasuot lang ng cargo pants, loose shirts at messy bun, tomboy na agad, eh sa ito ang gusto kong suotin dahil dito ako komportable.
"Anong tomboy?" Inis kong tanong sa kanya.
"Ikaw tomboy, babaeng lalaki pa kong pumorma, mas lalaki ka pa sa akin manamit o baka lalaking napunta sa katawan ng babae," pang-aasar niya sa akin.
"Ano?" Nang gigigil na ako sa kadaldalan ng lalaking 'to, lumapit ako sa kanya at inihanda ko ang kamao ko na handa siyang suntukin, pero ngisihan lang niya ako. "Subukan mo pa akong tawaging tomboy, sasapakin kita!"
Tinawanan niya ako. "Go lang, parang ang laki ng kamao mo, tomboy."
Hindi na ako nagsalita, nang ulitin niya uli, sinapak ko agad siya diretso sa kanan niyang mata siya tinamaan, dahil sa ginawa ko natumba siya sa harapan ko, tulog agad.