Tiningnan ko ang makalat kong work station. Ang daming mga crampled paper sa kung saan.
I sighed. Isinandal ko rin ang likod ko sa upuan at pumikit.
Nakakapagod. Ang dami ko nang nagawang designs pero pakiramdam ko, may kulang pa rin at hindi pa rin maganda. What to do?
"Jane, hindi ka pa ba aalis?" Minulat ko ang aking mga mata. Lauvhli, one of my co-workers, is standing in front of me. I just shook my head as for my response. "Sige, mauna na ako." Anito saka umalis na.
And there, ako na lamang ang natitira dito. Muli kong naisandal ang aking likod. Inaantok na ako pero marami pa akong dapat tapusin.
Dapat kailangan ko nang matapos ang lahat ng gagawin ko.
Inayos ko ang aking sarili at muling tinuon ang atensyon sa paggagawa ng iba't ibang disenyo. Kapag gumagawa ako ng gowns, naiisip ko rin minsan.. wedding gown.. kailan kaya ako makakapagsuot noon?
I tilted my head. I should focus. Tama, focus tayo, Fami.
Bata pa lang ako ay mahilig na akong mag-drawing ng mga damit. Mostly, gowns. Kaya naman ito ang trabaho ko. Fashion Designer.
Nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa kong disenyo ng biglang magpatay-sindi ang mga ilaw. Napatingin ako sa mga ito. Di kalaunan ay umayos na rin naman kaya binalewala ko na lang.
Pero akala ko lang yun dahil muling nagpatay-sindi ang ilaw. And this time, tuluyan ng namatay.
Napabuntong-hininga ako. Bakit ako pa ang naabutan?
Nilibot ko ang aking mata. Madilim pero may mga emergency lights naman, kasama na ang liwanag ng buwan, kaya medyo nakakakita ako.
Napapikit ako. Wala naman sigurong multo dito di ba? Kung bakit ba kasi ako nagpaiwan eh.
Wala ba silang generator? O inaayos pa? Bakit ang tagal magkailaw ulit?
Kesa mag-panic, inayos ko na lang ang mga gamit ko. Aalis na lang ako. Alas onse na rin ng gabi.
Nang maayos ko na ang gamit ko ay dali-dali akong lumabas.
NASA GROUND FLOOR NA AKO. Although the exit is still far from my sight, at least malapit na akong makalabas. Wala pa ring kuryente. Hindi ko alam kung bakit. At ang creepy, sobra. Yung feeling na ako lang ang naglalakad dito? Tanging yabag lang ng paa ko ang naririnig ko. Tapos wala pang ilaw? Ang lamig din. Feeling ko nasa isang shooting ako ng horror movie–
Oh, my f*****g s**t.
Napatigil ako sa paglalakad at nahigit ko ang aking paghinga ng may narinig akong naglalakad. Mabibigat pero mabagal ang lakad nito.
Ang lakas ng t***k ng puso ko dahil sa kaba. Paano kung multo yun? Hindi ako naniniwala sa multo. To see is to believe. Pero ayoko namang makakita!
Maglalakad na sana akong muli at hindi na lamang iyon iintindihin ng magsalita ito.
"T-Tulong.."
Napapikit ako at humigpit ang kapit ko sa mga dala kong gamit. Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung tao ba yun o ano. Bakit siya humihingi ng tulong? Tutulungan ko ba?
"Tu-Tulong.. tu-tulungan m-mo a-ako.." alam ko, malayo pa siya sakin at hindi ganon kalakas ang boses niya. Pero dahil sa sobrang tahimik, rinig na rinig ko ang sinasabi niya. Nasa may bandang likod ko siya at ayokong humarap sa kanya. Paano kung multo? Eh paano kung tao?
Napamulat ako ng makarinig ng pagbagsak at dali-daling lumingon sa aking likod. And there, someone is lying on the floor!
Teka, bumagsak? May tunog? Edi tao nga?
Dali-dali akong tumakbo papunta sa kanya. Sheez, Fami. Why so gaga?
"H-Hey.." tinapik ko ang mukha niya pero hindi na siya gumalaw. Nawalan na ba ng malay? Sana naman nawalan lang ng malay! I checked his pulse.
Okay pa. Buhay pa siya.
Tutal malapit na lang din ako sa labas, tutulungan ko na siya.
Hindi na ako nagdalawang-isip na akayin siya. Kahit sobrang bigat niya at mas malaki siya sakin. Inilagay ko ang kaliwang braso niya sa balikat ko at ang kamay ko ay nasa bewang niya.
Pero saglit akong napatigil ng maramdamang basa ito. Inalis ko ang kamay ko at tiningnan. Inamoy ko pa. Dugo.
Damn. Bakit may dugo? Napaano ba ang lalaking 'to? San siya galing?
Kesa tanungin ang sarili ko, wala naman din akong makukuhang sagot, iniupo ko muna siya.
Hay, Fami. Next time, wag ka ng mag-overtime.
Inilapag ko ang mga gamit na dala ko at hinanap ang gunting sa bag. Ginupit ko ng kaunti ang lalaylayan ng damit ko. Naging croptop tuloy. At saka ko itinaas ang damit niya. Kailangang hindi na magtuloy ang pagdudugo. Tinalian ko ang sugat niya. Ng matapos ay napatingin ako sa mukha niya.
My heart skipped a beat.
Hindi ko makita ng maayos ang mukha niya dahil natatakluban ng buhok niya. Long hair? Medyo. Tapos nakatungo rin siya. At ang dilim pa dito. Tanging emergency lights lang ang liwanag kaya hindi ko talaga makita.
I shook my head. Ano bang pakialam ko sa mukha niya? Mabuti pang makaalis na kami dito para madala ko na siya sa ospital.
Aakayin ko na sana siya ulit ng makarinig ako ng yabag ng paa at sigaw. "Sir Joseph!"
Napalingon ako sa likod at nakitang tumatakbo sila papunta sa direksyon namin. Sir Joseph? Ito ba ang lalaking yon? Bakit biglang tumambol ang puso ko dahil lang sa pangalan niya?
Nakalapit na sila sa amin. "Sir Joseph, okay lang po ba kayo?" Tanong ng isa at tinapik ang walang malay na lalaki. Dalawa silang lalaki. Men in black.
"Miss, okay lang po siya?" Tanong ng isa sa akin.
"A-Ah.. kasi.. na-nakita ko siya kanina, bigla siyang natumba. May sugat din siya. Kailangan na siyang magamot baka maubusan siya ng dugo." Sagot ko. Tumango naman sila. Inakay nila ang tinawag nilang 'Sir Joseph'. Nakasunod lang ako sa kanila hanggang sa makalabas ng building.
Paglabas ay may nakaparada nang sasakyan sa harap namin. Isinakay nila doon ang lalaki.
"Miss, pasensya na po sa abala. Ihahatid ka na po namin." Ani ng isa sa dalawang lalaki. Umiling ako.
"Hindi na. May sasakyan akong dala at saka kailangan nyo na siyang ihatid sa ospital." Baka kasi maubusan na talaga siya ng dugo.
"Sigurado po ba kayo?" Tanong niya ulit. Tumango ako. Wala naman silang nagawa kung himdi ang sumakay na at iwan ako.
I let out a sigh. Napatingin ako sa damit ko. Kaya pala nakaramdam ako ng lamig dahil croptop na nga pala 'to. May bahid din ng dugo.
Nagbalik sa isip ko ang imahe ng lalaking yon kanina. Whoever is he, I hope he survives. I hope he's okay.
**
"JANE! May nagpapabigay sayo," kinikilig na saad ni Cloud sabay abot ng isang kumpol ng pulang rosas. Ito na naman. "Galing sa masugid mong manliligaw!" Dagdag pa niya sabay upo sa upuan niya. Actually, maaga pa. Kami pa lang tatlo ang nandidito.
Inagahan ko kasi ang pasok dahil na rin sa dami kong gagawin. Ayoko nang mag-overtime at baka kung ano na namang ma-encounter ko.
"Grabe kung um-effort. Inaraw-araw na!" Ani Andrea ng ito ay makaupo rin.
Mukhang kailangan ko pa ulit kausapin si Chris na tigilan na niya ako. Nakausap ko na siya noong simula pa lang siyang nanliligaw. Pero hindi siya nakikinig at patuloy pa rin sa ginagawa niya.
"Ay pak! Baks, larga muna tayo at nandyan si Papa Chris." Sabi ni Cloud at hinila patayo si Andrea. Kinindatan pa ako ni Cloud bago makaalis.
Nakita ko naman si Chris na papalapit sa akin. May dala itong pagkain. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Hi, Jane. Good morning." Saka ngumiti ng matamis sa akin. "Para nga pala sayo." Sabay abot ng pagkain niyang dala.
Tiningnan ko ito tapos siya. "Chris. Alam mong ayoko di ba?" Tanong ko sa kanya. Lumungkot ang mukha niya pero agad din siyang nakabawi. Ayoko talagang pumasok muna sa isang relasyon.
"Kainin mo na yan baka hindi ka pa nag-aagahan." Anito at ginulo ang buhok ko. Napabuntong-hininga akong muli.
"Salamat." Tumango siya at umalis na rin pagkatapos. Inilapag ko ang dala niyang pagkain sa lamesa. Hindi naman nagtagal at dumating na ang dalawa. Tinanong pa ako kung anong nangyari pero tanging iling lang ang sinagot ko.
Sumapit ang tanghalian at malapit na ang break namin ng bigla akong pinatawag ni Ms. Linbao.
Ano na naman ang kailangan niya?
"Pinapatawag nyo raw po ako?" Bungad ko ng makapasok ako sa opisina niya. Iginaya niya ako paupo kaya umupo ako.
"Jane, what did you do this time?" Nangunot ang noo ko. What does she mean by that? "Pinapatawag ka ng ating CEO. What did you do, Jane?"
Nanlaki naman ang mata ko. Ako? Pinapatawag? Teka, anong ginawa ko? Bakit ako pinapatawag?
Magsasalita na sana ako pero inunahan na niya ako. "You go there now. He's expecting you." Anito at pinalabas ako ng opisina niya.
Naguguluhan akong lumabas. Anong gagawin ko? Bakit? Anong nagawa ko? Wala naman akong naalalang nagawang mali.
Nahilot ko ang aking noo.
Bahala na. Kung ano mang mangyari, bahala na talaga.