Chapter 4

1614 Words
I calmed myself as I walked in a pathway leading me to the CEO's office. I kept asking myself why I am here and what did I do. Ano nga ba? Hindi ko talaga alam. Sabi sa akin ng secretary ay pumasok na lang daw ako sa loob ng opisina ng CEO namin. Ewan ko! Hindi ko talaga alam ang nangyayari. Tumingin ako sa nakasulat sa may pintuan. 'Office of the President'. Kaharap ko na ito at tanging pagkatok na lang ang gagawin ko. I knocked three times. It automatically opened. I composed myself before entering his office. But to my surprise, no one's inside. Even the CEO himself. Niloloko ba nila ako? I roamed my eyes. Walang tao– "Pre, ano bang mas masarap? Ito o ito?" "Babae. Babae ang masarap 'tol." "Puro na lang babae ang nasa utak mo, Lacrose!" "Well, gwapo–" Napatingin ako sa kanila. Apat na lalaki. Ang isa sa gitna ay may hawak na baso at bote ng alak. Napatigil ito ng makita ako. "Guys.." anito na nakapagpatigil din sa tatlo pa. I stared blaknly at them. Nabitawan niya ang baso pati ang alak at nanlalaki ang mata habang nakatingin sakin. "M-Multo.." he murmured. He looks pale! Napatingin ako sa likod ko. Multo? Nasaan? "MAY MULTOOOOOOOOOOOO!" He screamed. Nagtatakbo ito kasama ng dalawa pang lalaki. Habang ang isa ay nakatingin lamang sa akin. Teka nga, saglit. Pinapunta ba ako dito para takutin? O para manaboy ng multo? Sino ba itong mga ito? Nasaan na ang CEO ng kumpanya? Nasaan na? Sino 'tong mga 'to? Ako ba pinaglolo-loko lang dito? "Mga tarantado kayo! Hindi yan multo, okay? Mga bakla ba kayo?" Sabi ng natirang lalaki sa apat sa tatlong lalaki na ngayon ay nakatago na sa likod ng sofa. Tumaas ang kilay ko. Mga isip-bata. "Tangina ka, Lacrose. Sinong bakla?!" Saad ng isa sa tatlo at tumayo. "May dalawa na akong anak baka nakakalimutan mo?" Dagdag pa nito. "Hoy, gago ka, Brix. Ikakasal na kami ni Marrione tapos ako bakla? Gago ka ah. Suntukan na lang?" Saad pa ng isa. "Hands up," he raised his both hands as if surrendering. "Maghahanap pa ako ng mabubuntis eh. Pero hindi ako bakla." Sabi pa niya. Siya yung nagsisigaw ng multo kanina. Ako naman ay nagpapalitan lang ng tingin sa kanila. Pakipaalala po sa akin kung ano ang ginagawa ko dito. Umiling-iling naman ang lalaking sinabihan silang bakla bago tumingin sa akin. "Are you Ms. Famarah Jane Lopez?" He asked. I nodded my head. Nakita ko ang pagrehistro ng gulat sa mukha ng tatlong lalaki. Natutop pa nila ang kanilang bibig. "You mean.. siya si.." tumango ang lalaking nagtanong ng pangalan ko sa sinabi ng lalaking hindi ko kilala. "Hindi ka patay?" Nangunot ang noo ko sa tinanong ng sumigaw ng multo kanina. Ako? Patay? Bakit naman ako mamamatay? Teka, ba't nila natanong? Do they know me? "Nevermind. My name's Laxus Villaruel." Anito. Ngumiti siya sakin saka naglahad ng kamay pero tumingin lang ako doon. Hindi ko alam kung aabutin ko ba. Naramdaman niya yatang hindi kaya binawi na niya. "I'm Veen," ani ng isa at saka kumaway. "Simon." Pakilala ng isa pa. "I'm Ambrixyl Lacrose. Brix for short." Saad ng lalaking nagtanong ng pangalan ko. Gusto ko silang taasan ng kilay. Bakit sila nagpapakilala sa akin? Sila ba ang nagpapunta sa akin dito? "Excuse me but where's the CEO?" Tanong ko. Nagkatinginan muna silang apat. Brix answered. "Sorry, Ms. Lopez pero kakaalis niya lang. Kami na ang bahalang magsabi na pumunta ka dito. Makakabalik ka na sa baba." So alam nilang pinapunta ako dito? They didn't ask me what do I need to the CEO. O baka sila ang nagpatawag sakin? Uh, nevermind. Nawi-weirdo-han man ay tumalikod na ako para makaalis. Nagsayang lang ba ako ng oras? Hindi pa man ako nakakaalis ay muling may nagsalita. Mahina lang ito pero abot sa pandinig ko. It's Mr. Laxus Villaruel. "He's waiting for you for a long time.." Hindi ko na ito pinansin at tuluyan ng umalis. Ano bang trip ng mga iyon at pati ako ay dinamay? Why did Laxus ask me why I'm not dead? Kilala nila ako? How? Why? When did we meet each other? Bakit hindi ko sila kilala? Err. Sumasakit ang ulo ko kakaisip. Bahala na sila. I shouldn't stressed out myself because of them. Babalik na lang ako sa work station ko at tatapusin ang ginagawa ko. That would be better, I think. *** IKATLONG PERSONA "That's Marah, right?" Laxus asked while cleaning the mess he made minutes ago. "I can't believe it! She's alive? For real?" Hindi makapaniwalang usal ni Veen. "Ikaw, Brix, sinabi mong patay na siya di ba? Bakit ngayon, buhay pa sya? Saan mo nakuha yon ha?" Usisa ni Simon. "Relax, okay? Wala rin akong alam. Four years ago, habang naghahanap ako ng information about kay Marah, nakita ko ang information niya na patay na siya. We saw it in the picture attached to the information. Her dead body. Yung aksidente. Nakita nyo rin di ba? It's Marah. It's not edited. Not until I saw her last night. Joseph called me to go here in his office. Nakikita nyo iyon," itinuro niya ang basag na salamin ng opisina ni Joseph. "Someone tried to shoot him last night. Tinawagan ko rin kayo di ba? Na pumunta dito? Pero hindi nyo naabutan ang nakita ko. I saw Marah with Joseph's bodyguard. Akay-akay nila si Joseph at si Marah naman ay kasunod nila. Punit ang damit at may dugo rin. I'm very sure that it was Marah. Kaya para makumpirma, pinatawag ko siya ngayon. At yan nga. She's alive! Alive and damn kicking!" Mahabang paliwanang ni Brix. May isang katanungang naglalaro sa kanyang isipan. May nagpapalabas na patay na si Marah. Bakit? Sino? May humahadlang ba sa pagkikita nila? Nakakapagtakang sa loob ng dalawang taon pa niya talaga nalamang patay na si Marah. Yung impormasyong nakuha niya, bigla na lang lumabas sa tinagal ng paghahanap. "Sasabihin ba natin kay Alejandro?" Tanong ni Laxus na ngayon ay nakaupo na rin sa couch. "Kapag nakalabas na siya ng ospital. Kailangan na niyang malaman." Saad ni Veen. Nasa ospital ngayon si Joseph dahil nga sa tama ng b***l kagabi. "Tama. Kailangan na niyang malaman. We saw how he changed when he knew that Marah is already dead. Yun pala, peke. Tsk. Someone plotted it. Brix, alam mo na ang gagawin mo." Tumango si Brix sa sinabi ni Simon. Yun din ang gagawin niya. Hahanapin niya ang pinanggalingan ng impormasyon ni Marah four years ago. Kung sinuman iyon, malalaman din niya. *** "Jane? Tara na?" Anyaya sa akin ni Andrea. Tumango ako sa kanya. Ayoko nang mag-overtime dito. Baka kung ano na namang mangyari mamaya. Nilinis ko na ang gamit ko. Naghihintay naman ang dalawa sa akin. Pagkatapos ay tumayo na rin ako at umalis na kami. "Jane, ready na designs mo? Dalawang araw na lang," tanong ni Cloud. Tumango ako sa kanya. Tinapos ko na siya kanina at ipa-finalize ko na lang mamaya sa bahay. Bukas ko na rin siya isa-submit kay Ms. Linbao. "Galingan mo dun, Jane. Malay mo, mapromote ka!" Masayang saad ni Andrea. Promotion? Wala ito sa balak ko. Ang gusto ko lang ay ang makagawa ng mga damit. "Pak na pak pa naman designs mo. Inggit nga beauty ko eh. Gawan mo nga ako, baks. Isusuot ko kapag ikakasal na ako," Sabi ni Cloud. Magkasiklop pa ang kamay nito at nakatingin sa taas waring nangangarap. "At sino namang magpapakasal sayo, bakla? Bukod sa wala kang hiwa, wala ka ring matres." Pangbabara ni Andrea. Marahas na binalingan ni Cloud ng tingin si Andrea. "Manahimik ka, Andeng! Bitter ka lang kasi hindi ikaw ang papakasalan ko. If I know, crush mo ako! Hmp!" Saad ni Cloud. Now, I'm torn between the two. Nasa kanan ko si Cloud, nasa kaliwa naman si Andrea. Kami lang ang tao sa elevator. At gusto ko ng makababa agad kami. "Eew! At saan mo naman nakalap yang pinagsasasabi mo? Ako? May gusto sayo? Baka ikaw ang may gusto sakin? Ha!" Andrea scoffed and crossed her arms. Cloud snorted. "HOY! BABAENG MUKHANG PALAKA! HINDI TAYO TALO AT MAS ANGAT NAMAN ANG BEAUTY KO SAYO!" Oh, my goodness. Paano ko ba aawatin ang dalawang ito? "SIGE LANG. MANAGINIP KA PA NG GISING! MAS MAGANDA AKO SAYO!" Sagot ni Andrea. "MAS. MAGANDA. AKO. TAPOS! END OF DISCUSSION!" Sagot pabalik ni Cloud. Inirapan pa niya si Andrea. I heaved a sigh. Luckily, the elevator already reached the ground floor so as soon as the door opened, I immediately stepped out. Bahala na silang dalawa dyang mag-away. "YAN! INIWAN NA TAYO NI JANE! ANG INGAY MO KASI!" Rinig kong sabi ni Cloud. Hindi pa rin tapos ang pag-aaway nila. "Anong ako? IKAW YON! TALAK KA NG TALAK PARA KANG BAKLA!" Sagot naman ni Andrea. "BAKLA TALAGA AKO! MAY PROBLEMA KA DON?" Sagot pabalik ni Cloud. Tinakpan ko na ang tenga ko kasi ang lakas ng sagutan nila. Pinagtitinginan na rin sila. Although mukhang nasanay na yata ang ilan sa kanila dahil lagi naman silang nag-aaway na dalawa. Mas binilisan ko rin ang lakad ko. "JANE! SAGLIT LANG!" Sigaw nilang pareho. Hindi ko sila pinansin at mas binilisan ang paglalakad ko. Sa kakalakad ko ay hindi ko na napapansin ang mga tao sa harap ko. "Aww," mahina kong daing dahil sa may nabangga ako. Nahimas ko ang aking noo dahil ang tigas ng nabunggo ko eh. Tumingala ako para makita ang taong nabunggo ko. "Hi, Ms. Lopez," anito ng may ngiti sa labi. Napatingin din ako sa likod niya at nakita ko rin ang iba pa. Sila na naman?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD