"Hi, Ms. Lopez," anito ng may ngiti sa labi. Napatingin din ako sa likod niya at nakita ko rin ang iba pa.
Sila na naman?
"Oh la la la~" rinig kong sabi ni Cloud sa likod ko.
"Baks, ulam na ulam!" Segunda ni Andrea. Napatingin ako sa dalawa at nakitang titig na titig sila sa apat na kaharap namin ngayon. Halos maghugis puso na rin ang mga mata nila.
Napailing ako at muling binalingan ang apat na lalaking naabutan ko kanina sa opisina ng CEO. Oo, silang apat na naman.
"Pwede ka bang maging kanin?" Ani Brix kay Andrea sabay kindat. Tumili naman ang dalawa sa likod ko.
"Baks, ito na. Ito na talaga! Pasensyahan na lang pero mauunahan kita." Saad ni Andrea.
"Gaga ka, share your blessings baks! Siya sa unahan, ako sa likod." Sabi naman ni Cloud. "Kami ang bahala sayo." Ginamit niya ang panlalaki niyang boses. Nangilabot naman ako sa sinabi niya.
Ano bang usapan 'to? Makaalis na nga lang. "Hep, hep, saan ka pupunta?" Hindi pa ako nakakaalis pero nahawakan na ni Laxus ang braso ko. Tiningnan ko lang siya at tinuro ang labas. "Uuwi ka na?" Tumango ako sa tanong niya.
Binitawan niya ang braso ko. Pagkabitaw niya ay nagsimula na ulit akong maglakad. Bahala na sila dyan. Hinihintay na ako ng dalawa kong anak.
At parang nagdilang anghel pa, biglang tumunog ang cellphone ko hindi pa ako nakakalayo. Tumigil ako para kuhanin ang cellphone ko sa bag.
"Hey, baby." Bungad ko.
"Mommy!" Bungad din ni Aladin. "Mommy, mommy, are you going home na po?"
"Yes, baby. Why? Do you want me to buy you something?" I asked. Napatingin ako sa likod ko dahil may kumalabit sakin at nakita ko sina Cloud at Andrea. Pati ang apat na nakatingin sa akin. Problema nila? Hindi ko na lang sila pinansin at tinuon ang atensyon kay Aladin.
"Mommy, Alistair wants pancit. Right, Alistair?" Narinig ko ang pag-"yeah" ni Alistair. "Hear that Mommy? We want pancit, Mommy. Please Mommy? Bring pancit." I laughed a little. They are my happy pill.
"Alright, I'll buy that before going home. Anything else?" Bahagya akong tumagilid dahil nakatingin talaga sa akin ang anim.
"Nothing else, Mommy. Bye, Mommy! Take care and we love you!" Sabay pa sina Alistair and Aladin magsabi ng 'I love you' kaya napangiti ako.
"Bye, I love you two!" Binaba ko ang tawag ng may ngiti sa labi. Inilagay ko ang cellphone sa bag ko at hinarap ang anim. Inalis ko ang ngiti ko.
"Aalis–" pinutol ni Cloud ang sasabihin ko.
"Wait! May jowaers ka na, bebe Jane?" Gulat na tanong ni Cloud. Nangunot naman ang aking noo. Ako? May jowa? Iniling ko ang aking ulo.
"Gaga ka! Eh sino yung kausap mo?" Tanong naman ni Andrea. Nagkibit-balikat na lang ako. Ayoko pang sabihin sa kanila.
"Ha! I knew it! Kaya hindi mo sagutin si Chris dahil may special someone ka na. Akala ko pa naman loveless ka." Dagdag pa ni Andrea na waring tama ang hinala niya. "Irereto pa sana kita sa pinsan ko." Nangusong saad niya. Is she serious?
"I have to go." Yan na lang ang sinabi ko dahil ayoko na silang kausapin pa. Magtatanong lang sila nang magtatanong at ayokong sagutin ang mga iyon.
"Wait lang, Mar–Ms. Lopez!" Napatingin ako kay Brix ng tawagin niya ako. Tiningnan ko lang siya waring naghihintay ng sunod niyang sasabihin.
"Pwede bang malaman kung sino ang kausap mo kanina lang?" Tanong nito. Bakit gusto niyang malaman?
Umiling ako bilang sagot. Kumaway ako sa kanila tanda ng pagpapaalam saka tumalikod. Hindi ko na sila pinansin kahit tinatawag pa ako ni Cloud at Andrea. Pero laking gulat ko ng may humablot sa braso ko at pinaharap sa kanya.
It was Veen. Kasunod niya rin ang tatlo pa. Ano bang problema ng mga 'to? "Ms. Lopez, sabihin mo, sino ang kausap mo?" May diin niyang tanong. Yung tipong dapat mong sabihin sa kanya kung hindi, malalagot ka.
"It has nothing to do with you." Sagot ko. Totoo naman. Sino ba sila para pakialam ang buhay ko? Ni hindi ko nga sila kilala pero kung makaasta, akala mo kilalang-kilala nila ako.
"Mar–"
"Veen!" Simon called out his name to stop him from saying what he's gonna say. They are really weird. Bakit nga ba ako nakikisalamuha sa mga ito? Ang tanging gusto ko lang ay ang makauwi na. Bakit ba nabunggo ko pa si Brix kanina?
Veen let go of my arm. Thanks God! "You can go now. Sorry for bothering you." Anito. Umiling-iling ito saka tumalikod.
Hindi ko alam ang nangyayari. Ano bang nangyayari? Parang may alam sila na hindi ko alam? Parang may gusto silang sabihin pero hindi pwede.
Kinibit-balikat ko na lang. Kung anuman yon, ano bang pakialam ko? Hindi sila parte ng buhay ko.
Nagsimula na ulit akong maglakad palabas ng building. Ako lang mag-isa. Buti naman. Ang sakit sa ulo ng dalawa–Cloud and Andrea. Lagi pang nag-aaway.
Bibili pa ako ng pancit na gusto ng dalawang bata.
***
IKATLONG PERSONA
"Sa tingin nyo ba, kailangan pa nating sabihin kay Joseph ang tungkol kay Marah?" Alangang tanong ni Laxus. Base sa narinig nila kanina kay Marah, habang may kausap sa cellphone, mukhang may minamahal na ito.
"Hindi ko rin alam. Paano kung magulo ang buhay ni Marah kapag bumalik si Joseph sa buhay niya?" Ani Veen. "Pero kailangan ni Joseph si Marah." Dagdag pa niya.
"Hindi pa natin alam kung may kasintahan nga ba si Marah. She didn't tell us, did she? Sasabihin pa rin natin 'to kay Joseph." Sabat naman ni Simon.
Kasalukuyan silang nasa kwarto ni Joseph sa ospital. Nagpapahinga ito ngayon.
"Sasabihin natin. He needs to know. Ang tagal niyang hinanap si Marah at kita ninyo naman ang pagbabago sa kaniya, hindi ba?" Ani Brix. Nagsitanguan na lang din ang tatlo pa.
They don't want to mess with Marah's life but they want Joseph to be happy.
"Anong sasabihin ninyo?" Napalingon silang lahat kay Joseph ng magsalita ito.
"Kanina ka pa bang gising?" Tanong ni Brix. Joseph shook his head. Lumapit silang apat kay Joseph.
"Magpagaling ka muna, pre. May maganda kaming balita sayo." Sabi ni Laxus sabay tapik sa balikat ni Joseph.
Nangunot ang noo ni Joseph pero hinayaan na lang niya sila. Sasabihin din naman nila yun.
"Oo nga pala, may lead ka na ba kung sino ang nagpabaril sayo?" Tanong ni Simon. Dahil sa tanong niya, bumigat ang atmospera sa buong kwarto at naging seryoso silang lahat.
"Wala," tipid na sagot ni Joseph. Wala siyang alam sa kung sino ang pwedeng magpabaril sa kanya. Wala naman siyang nakaaway or so he thought? Did he offend someone before? And now taking revenge of him?
"Barrett M82," Laxus uttered. Napatingin sa kanya ang lahat. What does he mean? "The riffle that was used to shoot you." He added.
"Tsk. Iba ka talaga Laxus. Magagamit din pala yang kahiligan mo sa baril." Natatawang saad ni Brix.
Yes, Laxus is fond of guns. He has lots of guns as his collection. Pinag-aaralan niya rin ang bawat b***l, its ranges and whatsoever. Even the bullets.
"Let me track that for you," Seryosong sabi ni Laxus. Laxus is true to his words.. well, all of them. They're helping each other in any terms. Kung kaya namang tumulong, bakit hindi, di ba? They're helping each other since then.. since their friendship started. Walang naaagrabyado, walang pinapapabayaan. Sanggang-dikit silang lima.
"I'll leave that to you then." Said Joseph. "Then send the information to Brix. Brix, you know what to do next."
"Copy," Brix joked.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ay umalis na rin sila para gawin ang dapat gawin. Habang si Joseph, naiwan na namang mag-isa.
He's staring at the ceiling. He's thankful for his friends. Kahit nagbago na siya, hindi pa rin siya iniiwan.
"Marah.." he murmured her name. Naalala na naman niya ang babaeng iyon.
Malas ba siya sa pag-ibig? Una, si Amara. Ang unang babaeng minahal niya pero may asawa na at mahal pa. Tapos si Marah.. si Marah na tinakbuhan siya, na hinayaan naman niya, tapos malalaman niyang patay na.
Malas ba talaga siya?
Mali ba ang pagkakataon na umibig siya? O mali ang taong iniibig niya?
Hindi na niya alam. Ayaw na niyang magmahal pang muli kung wala naman siyang makukuha kung hindi sakit. Huli na si Marah.. wala ng iba.
Mapait siyang natawa. Hindi niya akalaing mamahalin niya si Marah. Paano nga ba, kung isang beses pa lang silang nagkikita? Hindi niya rin alam. Ang pagmamahal niya kay Amara noon ay nawala ng makilala niya si Marah. Sa bawat araw na naiisip niya si Marah, yung nangyari sa kanila.. ang tanging gusto niya ay ang makita siya pero bakit hindi pa ito pinagbigyan ng tadhana? Bakit kinuha siya agad? Bakit hindi man sila pinagkitang dalawa? May galit ba ang tadhana sa kanya?
Natigil siya sa pag-iisip ng tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito at nagtiim-bagang. Sinagot niya ito.
"I wonder why you're still alive," saad ng kabilang linya. He's receiving death threats two months ago. Hindi niya ito pinapansin dahil wala namang ginagawa at baka prank lang.
Pero dahil nangyari ito, ang pagkakabaril niya, mukhang kailangan na niyang malaman kung sino ang gusto pumatay sa kanya.
"I wonder why, too. Maybe the one you hired is not good enough to kill me?" Nakangising saad ni Joseph. He wouldn't be threatened just because this s**t wants him dead. He's already dead the day he knew Marah is no longer alive.
"f**k you. You will die soon! REMEMBER THAT, YOU WILL DIE!" Galit na sigaw ng nasa kabilang linya. Pagak na tumawa si Joseph.
"Try me." Anito at saka ibinaba ang tawag. Whoever wants to kill him, he will kill them first before they lay a finger on him.
Matira ang matibay na lang.