KABANATA 29: WALANG nagawa si Kuya Jose kundi sumunod. Hindi naman na nagreklamo ang amo niya sa utos ko, e. Tahimik ang biyahe namin. Mabuti na lang talaga nagpatugtog na lang si Kuya Jose para maibsan ang tensyon sa paligid. Bukod doon, saglit lang naman ang biyahe dahil malapit lang iyon sa Terminal. Pagka-park ng sasakyan ay tamad akong sumulyap kay Daniel. Naabutan ko itong hinihimas ang ibabang labi na tila nagiisip. Hindi na sana sila dapat sumama sa amin ni Billy pero dahil ang bastos naman sa part na hindi sila isasama samantalang naging driver na nga namin si Kuya Jose kahit na hindi naman bukal sa loob ko itong pagsama nila. Dito na lang ako, Sir, Winona," sabi ni Kuya Jose. Wala namang pakialam si Daniel. "Sumama ka na po. Mag-isa ka lang dito," yaya ko pero nagpumilit pa