KABANATA 28: NAKIPAGMATIGASAN ako sa kanya. Karapatan ko ang umalis at dapat wala siyang pakialam doon. Nakipagtitigan ako sa kanya hanggang sa ito na ang unang umiwas ng tingin. Bumuntong-hininga siya pero mariin pa rin ang desisyon nito na pasamahin si Kuya Jose sa lakad ko. "AYOKO," mariin kong sabi. Hindi ako papayag lalo na ngayong masama ang loob ko sa kanya kahit naman hindi nito alam ang tungkol doon. I will stick with my decision. Umigting ang panga nito at lalong nagdilim ang mukha. Bumaling siya sa akin. Alam kong ang tulad niya hindi marunong magtimpi. Bago pa siya magsalita ay inunahan ko na. "Aalis na ko. I'll update Manang, don't worry," sabi ko. Mayroon akong numero ni Manang Bekay pero sa kanya wala. Tumaas lang ang kilay nito at balak pang pigilan ako kaso nagma