KABANATA 3

2042 Words
KABANATA 3: My life in the US has never been easy. I don't have friends. Some people bullied me for being too shy. Some of them just hate me for no reason. Simula ng dumating ako dito ay sa bahay at school lang ang alam kong puntahan.  I shifted my studies and took a Nursing course. Nawalan ako ng gana sa dating kong kurso. Bangungot na sa akin iyon at ayoko ng balikan. I wanted a new life.  Bumalik ako sa simula. Sobrang hirap para sa akin lalo na nagkaroon ako ng culture shock. Hindi din ako masyadong magaling sa ingles kaya Dad hired someone to help me with that too. Sobrang stress, sabay pa na buntis ako noon kaya isa din iyon sa factor na nagpapalala ng stress ko. Ina-atake din ako ng anxiety.  I felt alone. Simula ng nawala si Mama pakiramdam ko wala na kong kakampi. Pero dahil sa nakilala ko si Daddy. Kahit pa-paano hindi na ko nagi-isa dahil sa kanila. Although hindi ako gusto ng step mother ko simula pa noong umpisa. I am glad that my step sister accepted me. Naging mabait siya sa akin pero iba ang binigay kong kapalit. Dahil sa inggit kaya nasaktan ko siya ng sobra-sobra at ang kasalanan ko sa kanya ay abot hanggang langit. I don’t know kung sa langit pa ba ko nito mapupunta dahil sa kasalanan ko pero tinatanggap ko na. Masama akong babae.  Isa akong introvert kaya wala akong kibigan. Hinihiwalay ko agad ang sarili ko sa ibang tao. Okay naman na sa akin na magisa. Takot din ako na mahusgahan o ibully ng iba. Mahirap lang kami ni Mama kaya andaming bagay na wala ako. Minsan nakakaramdam ako ng inggit kapag nakikita iyong gusto ko sa ibang tao. Dahil sa inggit na ‘yan nagsimula ang lahat. Na kay Ate Aiko na ang lahat. Maganda siya. Mayaman. Kumpleto ang pamilya. Mahal ng magulang at higit sa lahat may lalaking nagmamahal sa kanya. Mayaman na, magandang lalaki pa.  Bago ko pa nalamang siya ang asawa ni Ate Aiko ay nakilala ko na si Kuya Elijah. Siya ang nakausap ko noong una kaya ako nakausap ng aking ama. Simula noon alam ko na malaki ang paghanga ko sa kanya. Buong akala ko nga hindi ko na siya makikita pero nagtagpo kami kasi siya ang pakakasaan ni Ate Aiko. Ilang beses ko siyang nakita dahil kay Ate. Pumupunta sa bahay para sunduin ito. Normal lang naman ang pakikitungo niya at hindi na inungkat iyong pagtatagpo namin noon sa labas ng building ni Daddy.  Kapag alam kong pagdidiskitahan ako ng Mommy niya ay umuuwi ako sa kanila. Sa mga panahon na bumibisita ako. Mas lumalalim na pala ang pagka-gusto ko sa kanya. Alam kong mali. Sinubukan kong pigilan pero hindi ako nagtagumpay.  Tuwing nakikita ko silang sweet ni Ate ay nagseselos ako. Nagseselos ako na sana ganoon din ako. Na sana may lalaking magmamahal sa akin na tulad ng kay Kuya Elijah. Hanggang sa nagawa kong magpanggap bilang kapatid ko ng gabing iyon. Lasing siya ng gabing iyon. Kaya kinuha ko ang pagkakataon na akitin siya. Nagsuot ako ng damit at nagayos ng tulad kay Ate. Palagi nilang sinasabi na malaki ang hawig namin. Naloko ko si Elijah. Buong akala niya ako ang kanyang asawa. Sa buong gabing iyon pangalan ni Ate Aiko ang bukambibig niya. Ayoko ng balikan pa ang nakaraan. Nakaka-dismaya lang na nagawa ko iyon sa kanila.  I disguised myself with an angelic face. Pero ang totoo. Demonyita pala ako dahil sa nagyari noon. I remember one time, may isa akong naging kaklase na inis na inis sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama kanya. She started to throw some hurtful words. Pinahiya ako at ang isa sa sinabi niya. "Stop pretending to be damn shy and innocent, girl! I know what 'ya doin'! Show 'ya true color! You're a slut!" Tumatak iyon sa aking isip. Sampal sa akin dahil iyon talaga ang totoo. Ilang buwan na pananatili ko sa US ay nakunan ako. Ang totoo hinayaan ko ang sarili ko na malugmok sa stress at depression. My baby is weak. Mas lalong lumala dahil nga sa stress kaya hindi niya na kinaya at bumitaw na sa akin. Naging pabaya akong ina sa anghel na hindi na nagawang silayan pa ang ganda ng mundo. Hindi ko na alam kung pagbubuksan pa ko ng langit dahil dumagdag pa ito sa teribleng kasalanan ko. Hinang-hina ako. Wala akong masandalan. Pakiramdam ko kasumpa-sumpa ako at wala ng puwang sa mundo. I tried to kill myself. Kung ano-anong pumapasok sa utak ko lalo na kapag gabi. I tried to overdose myself pero nagawa kong lagpasan iyon ng dalhin agad ako sa hospital ng kasamahan ko sa apartment. Dalawang beses kong ginawa iyon pero sa tuwing ginagawa ko palagi pa ring may sumasagip sa akin. Palagi pa rin akong nagigising at buhay pa rin. Kaya ako nagdesisyon na lumapit sa KANYA.  Nagsimula akong sumali sa FILIPINO CHURCH COMMUNITY sa US. I confess my sin to the priest and our creator. Ilang luha ang nilabas ko noong umamin ako. Takot din ako sa mga kahihintnan ng kasalanan ko. Kaya noong lumapit ako sa kanya. Gumaan ang puso ko. Tila nagliwanag at may direksyon ang buhay ko. Unti-unti na kong naging masigla. Natuto na kong makihalubilo sa tao pero kakaunti lang talaga ang kaibigan ko.  Aktibo na din ako sa church. Dahil sa mga kasamahan ko sa simabahan kaya mayroon akong nasasandalan. Bihirang-bihira ko lang makausap si Daddy. Wala akong problema sa pera kasi continues ang padala niya sa akin. Hanggang sa nakatapos ako at naging ganap na Nurse. Simula ng kumikita na ko ay pinasya ko ng huwag ng tumanggap ng kahit anong pera mula sa aking ama. Tama na iyong naitulong niya sa akin para umayos ang buhay ko sa kabila ng ginawa ko kay Ate Aiko.  Sobra din naman akong nagpapasalamat dahil kung hindi sa kanya hindi ako makakarating sa kung nasaan ako ngayon. Sa kabila ng lahat ng aking ginawa. Simula kasi ng sinira ko relasyon nila Ate Aiko at Elijah. Hindi na ganoon ang turing ni Daddy sa akin. Malamig na siya at pakiramdam ko ginagawa niya lang na suportahan ako dahil responsibilidad niya sa akin. Ngayon nga ay dalawang taon na ako sa Montefiore-Einstein Center for Cancer care. Isa na akong ganap na Nurse at namumuhay na ng maayos at normal. Binaon ko na sa limot iyong nakaraan at walang ibang taong nakaka-alam.  Hindi lang ako sa mga kapwa ko katrabaho naging malapit. Maging sa mga pasyente ay ganoon na din. Sa lahat ng naging pasyente ko ay kay Mrs. Oliveira lang ako napalapit ng husto. Mayroon itong breast cancer at simula ng nagtrabaho ako dito sa Hospital ay siyang dating naman niya para magpagamot. She's from Brazil. Sila ng asawa niya ay mabait sa akin. Kaya kahit pa-paano nakakatulong din ang mag-asawa lalo na si Mrs. Oliveira para gumaan ang aking trabaho. Sobrang bait niya. Para akong nakahanap ulit ng Nanay sa katauhan niya. Na-miss ko ang Mama ko. Kung paano ako nito alagaan ay mahalin. Dahil kay Mrs. Oliveira kaya nakahanap ako ng parang pangalawang ina. Ngayon na aalis na siya dahil magaling na siya ay may halong lungkot at saya ang puso ko. Hindi ko na kasi siya palaging makikita dito sa Hospital. Uuwi na siya sa bahay nila sa Hamilton, New York. Although we can talk naman via f*******: Messenger or Skype. Nakaka-miss pa rin personally si Mrs. Oliveira. Hinatid ko siya hanggang sa labas ng Hospital. Inaantay namin ang kanyang asawa at kinuha lang ang sasakyan nito. "You should visit me soon, darling. Aww... I'm gonna miss you. You're like a daughter to me. Thank you for making my two years stay here a memorable one. You are excellent and my favorite nurse, Win." Napanguso ako para maitago ang panginginig ng labi. Ngayon lang ako naging apektado sa isang pasyenteng aalis. "I will, Diana. Don't worry. I'll call you when I'm free so you won't miss me." Humagikgik ako sa sinabi. Dinadaan ko na lang sa ngiti ang lungkot.  Malaki ang pinayat ni Mrs. Diana Oliveira. Pero healthy naman na siya ngayon. Magiging normal din ang katawan nito at makakabawi din lalo na ngayong magaling na ito. Dumating ang sasakyan niya at bumaba doon si Mr. Peter Oliveira. Pinagbuksan nito ng pinto ang asawa. Inalalayan ko si Mrs. Oliveira at nilagay ang ilang bag nito sa kanyang tabi. Malungkot akong ngumiti sa kanya. Pasimpleng nagpahid si Mrs. Oliveira ng luha. Tinapik naman ako ni Mr. Oliveira kaya sa kanya ako napatingin. They are both in their fifties. Visible na rin ang fine lines at wrinkles sa mukha. Pero ganunpaman, sadyang magandang lalaki si Mr. Oliveira at angat pa rin ang ganda ng Misis niya. "We'll go now, Win. Thank you for taking care of my wife. We'll see you soon." Ngumiti ito. Tumango ako habang nakangiti at nag-thumbs up. Tila may namumuong bikig sa aking lalamunan at nahihirapan akong magsalita. Kumuway ako sa kanila hanggang sa maka-alis ang sasakyan nito at mawala sa aking paningin. Bumalik ako ng mabigat ang dibdib sa Nursing station. Nakasanayan ko kasi na palaging naka-assist kay Mrs. Oliveira. Ni-request niya kasi talaga na ako lang ang Nurse na gusto niyang mag-alaga sa kanya. Hindi ko nga alam kung anong mayroon sa akin at bakit magaan ang loob niya sa akin. Noong unang inasikaso ko siya, nagsasabi na siya na nagagandahan siya sa akin at mukha daw akong mabait. Ilang tao na ba ang nagsabi noon? Hindi na lang ako sumasagot. Maniniwala na sana ako kung hindi lang ako gaga noon. Pero sabi nga sa akin ni Father lahat ng tao may karapatang magbago. Nasa tao iyon kung seseryosohin niya o ia-apply niya ang salita ng Diyos sa kanyang buhay. Sobra-sobra akong nagsisisi at gabi-gabi ko pa rin 'yon pinagdadasal kahit na sabi ni Father pinatawad na daw ako dahil umamin ako sa kasalanan at tinaggap ko na ang salita ng Diyos. Bukod doon ay nakikita niyang ginagawa ko naman ang aking makakaya ko para magsilbi sa Panginoon. Tunay daw akong nagsisisi at hindi na muli pang uulit. Ilag ako sa lalaki. Para bang dahil sa nangyari noon mas lalo akong nawalan ng amor sa lalaki. O, sadyang tama lang sila na hindi lang talaga kasi pumapasa sa panlasa ko kaya hindi ako interisado. Binibiro nga ako ng mga kapwa ko Nurses at Doctors na mag-date na at may kilala silang pwede kong i-date. O, di kaya bigyan ko ng pansin iyong mga lalaking may gusto sa akin. Dito kasi sa US, hindi uso ang ligaw. Kapag gusto ka ng lalaki sasabihin agad niya at kahit hindi mo sinabi na pwede siyang manligaw. Magpapadala pa rin ng bulaklak. Bobolahin ka pa din. Pero sadyang wala akong magustuhan. Sabi ko nga baka sa pagiging madre pala talaga ang bagsak ko hindi isang Nurse. Naalala ko si Mrs. Oliveira. Ilang beses niya kong nire-reto sa anak nitong karerista. Tinatawanan ko na lang at alam naman niyang wala akong interes sa lalaki. Kaso mas lalo lang siyang nangulit dahil nga tingin niya sa akin ay matino. Gusto kasi niya ng maayos na babae para sa anak nito. Dahil nga nagustuhan niya ko ayan pati sa anak niya nirereto din ako. Kaso sa picture ko lang nakikita. Adventorous ang anak niya at alam ko nasa Pilipinas dahil nga nag-car racing doon. Hanggang sa nagustuhan nitong tumira sa Leyte. Nagandahan sa lugar kaya ayaw ng umalis. Tuwing nga nagvi-video call sila ay gusto pa niyang ipaka-usap sa akin. Pero agad akong tumatanggi. Palagi naman akong may suot ng face mask kaya hindi din niya makikita ng buo ang mukha ko sa tuwing nagbi-video call sila. Minsan kasi bigla na lang hinaharap sa akin ang camera kapag may ginagawa ako. Pero alam ko naman pinadala ni Mrs. Oliveira ang litrato ko sa kanya. Hindi ko lang makita sa anak nito kung may gusto ba siya sa akin o wala. Normal lang naman makipagusap sa Mama nito. Kahit nga andoon ako at tinutukso ang anak na kausapin ako ay hindi ko naman nararamdaman na sabik itong makausap o makilala ako. Marahil nga hindi siya interisado. Ayos lang naman kasi ganoon din naman ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD