KABANATA 4

2177 Words
KABANATA 4: BALIK sa dating routine. Normal lang naman ang takbo ng mga araw ko. Hindi naman naputol ang komunikasyon namin ni Mrs. Oliveira. Kapag nasa apartment ako ay nakukuha kong tumawag sa kanya. Pagdating kasi sa trabaho ay abala talaga ako. Tulad ng mga nakaraang gabi. Pagod pa rin ako pagka-uwi. Pagka-uwi ay kumakain din ako agad para na din makapagpahinga ng kaunti bago maligo at magbihis. Bago matulog ay naging habit ko na talaga ang magrosaryo. Naglalaan ako ng panahon sa pagdadasal. I've been doing this for seven years. Aktibo pa din ako sa simbahan. Kapag off ko ay talagang nagsisimba ako. I sighed when I remembered them. Kumusta na kaya sila? For the past years, ay wala na kong narinig na balita maski kay Daddy, and I understand why. Talagang may panahon na minsan sumasagi sila sa isip ko. May impact din sila sa buhay ko kahit na saglit lang naman akong nanatili sa mansion nila. I was asleep when my phone ring. Hindi na ko nagabala pang sagutin iyon at hinayaan na lang na tumunog. Tinakpan ko ng unan ang aking tainga at natulog. I know it's a call from one of my co-workers na active pa rin sa nightlife. Mga nagpipilit na sumama ako kahit na hindi ko hilig ang uminom at mag-bar. Noon pa man ay hindi na ko nahilig sa ganoong klase ng buhay. Tila ba natatakot ako sa epekto ng alak o sa ganoong klase ng lugar. Para kasing walang maidudulot ng maganda. Hindi ba patunay iyong nangyari noon? Natulog ako ng mahimbing hanggang sa nagising na lang dahil sa alarm clock. Inaantok pa ang mga mata ay iyong cellphone ko agad ang una kong kinapa sa bed side table. Nasilaw pa ako kaya bigla ang aking pagpikit. Ilang segundo ba bago nasanay ng kaunti ang aking mata at nagawa ng silipin ang mga pumasok na mensahe at iyong tawag kagabi... mali, kanina. Madaling araw tumawag at hindi ko kilala ang numero dahil hindi naka-rehistro. Agad ang pagtahip ng aking kaba ng makita ang country code +63. Sa Pilipinas iyon. Ala-una ng umaga ng tumawag sa akin. Ibig sabihin ala-una ng hapon doon. Labing dalawang oras kasi ang pagitan ng oras sa New york at Philippines. Sino ba ang pu-pwedeng tumawag sa akin? Wala naman akong kaibigan doon maski noong nag-aral ako dahil ayaw nila sa akin. Hindi naman kasi ako pinanganak na mayaman. Alam nila na anak ako sa ibang babae ni Daddy. Kumalat iyon noon. Hindi ko alam paano nila nalaman pero hinayaan ko na lang. Hindi naman din ako nakikipagsabayan sa kanila. Si Daddy siguro. Baka gusto akong makausap. Kinakamusta. Pero alam naman niyang madaling araw sa mga oras na tumatawag siya. Bakit hindi inantay na magising ako? Mga bandang gabi na sana siya tumawag sa akin kasi natutulog naman ako mga bandang alas-otso o alas nuwebe ng gabi. Iyon lang ang may missed call. Isang beses lang. The rest puro mga mensahe. Tama ang kutob ko na kokontakin ako ng mga kasamahan ko sa trabaho. Hanggang ako sa kanila na may panahon pa talaga sila para magliwaliw. Ang palagi nilang sinasabi. Hindi pwedeng puro ka trabaho at dapat palaging mag-enjoy. Drink and parties. Dates and travel. Ganoon ang buhay nila. Malayo sa akin na trabaho at bahay. Simbahan at groceries. Sa apartment ay nanunuod lang ako ng mga movies. Nagluluto at naglilinis. Sa sobrang busy ko hindi naman ako nababagot. Daily routine ko na ito ng ilang taon. Kaya nga tuwang-tuwa si Mrs. Oliveira at ang tingin niya sa akin ay Housewife material. Gustong-gusto niya akong ipareha sa anak nito dahil alam niyang hindi ko pababayaan at magiging mabuti akong asawa. Natatawa na lang ako kapag naalala ko na ang gusto ata ni Mrs. Oliveira ay Nanny ng anak niya. Pero syempre, hindi ko sinabi. Masaya lang ako na may taong nagustuhan ako. Sa lahat kasi ng kilala ko. Palaging ayaw nila sa akin kahit na wala pa kong ginagawa. Simula ng pinapasok ko ang mga salita ng Diyos sa aking puso at isip. Naging maganda talaga ang takbo ng buhay ko. Iyong mga blessings kasi panay ang pasok. Hindi lang sa paga-aral. Sa trabaho. Pati sa mga kasamahan. Mayroon na kong mga kaibigan. Pinaka-close ko ay iyong palagi kong nakakasama sa station na si Billy and Maxine. Si Billy na panay ang pasaring sa akin. Pero mabait talaga siya at mapagbiro. Gentleman. Iyon nga lang hindi ko talaga makuha na higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya kahit na gwapo naman siya. Si Maxine naman ay black american. Ganunpaman, maganda siya at matangkad. Maganda ang hubog ng katawan. Palagi ko ngang inu-udyukan na sumali na lang sa Miss Universe kasi malaki ang chance na manalo siya kaso ayaw niya. Mahiyain. Silang dalawa ang laman ng inbox ko. Nagsend ng pictures na masaya sila sa bar kasama ang ilan naming katrabaho. Napangiti na lang ako. Sana sila na lang dalawa ni Billy ang magkatuluyan. Bagay naman sila. Kumalabog ang dibdib ko ng makita ang numero na tumawag sa akin kanina. Pigil ang aking hininga habang binubuksan ko iyon para basahin. Hi, Winona! Si Ate Aiko ito. Kumusta ka na? I'm sorry that I tried to call you at this hour. Hindi kasi ako mapakali kung mamaya pa. I am not sure kung naka-duty ka ba ngayon or off mo or natutulog ka. Nagbabaka-sakali lang. If you have free time, can you call me back? I have something to tell. I know you find this very odd. But I want you to know na kinalimutan ko na iyong noon. I will wait for your call. Ingat! Napa-awang at natuptop ko ang bibig. Hindi ko inaasahan na ito na iyong panahon na patatawarin niya ko at magkaka-ayos kami. Hindi ko na napansin na nanlalabo na pala ang aking paningin. Nanginginig ang aking kamay at tila nawala ng kaunti sa sarili. Pala-isipan sa akin kung ano ang gusto niyang sabihin. Muli akong kinabahan. Naalala ko si Daddy. Hindi kaya may... Ipinilig ko ang ulo. Kahit na matagal na panahon na kaming hindi nagu-usap ay may espasyo pa rin si Daddy sa puso ko. Mahal ko pa rin naman siya dahil naging responsable siyang ama sa akin noong nakilala niya ako. Kahit nakagawa ako ng mali ay pinili pa rin niya akong suportahan kaya naging mabuti pa rin siyang ama sa akin. Wala akong narinig sa bibig niya na masasakit na salita pero nakatikim ako ng galit niya at kinukwestyon ako sa ginawa kong kasalanan. Sobrang bait ni Daddy sa akin kaya hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyari sa kanya. Nanginginig ang aking kamay habang nagtitipa ng mensahe kay Ate Aiko. Makailang ulit ako ng tipa sa cellphone ko pero panay din ang aking bura. Hindi ko kasi alam paano ba siya ite-text. Hi, Ate Aiko! Sorry, ngayon ko lang nabasa ang message mo... Mabilis kong binura iyon. Nahihiya ako sa una kong mensahe. Parang ang dating kasi ay akala mo close kami na tipong wala akong nagawang kasalanan sa kanya noon. I sighed. Inulit ko ulit. Hi! I just woke up. Are you free? Can I call? Pikit-mata kong pinindot ang send. Nakahinga ako ng pagmulat ay tuluyan na ngang napadala ang aking mensahe. Umupo ako sa kama. Magulo pa ang aking buhok at alam kong mas masingkit ngayon ang aking mga mata. Ganoon naman ako kapag bagong gising. Iniwan ko sa ibabaw ng kama ang cellphone ko at pumasok sa banyo para maligo. Hindi naalis sa isip ko iyong text sa akin ni Ate Aiko. Para lang panaginip. Wala talagang imposible kapag si Lord. Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. Mahaba na ang aking buhok at nagpalagay na ko ng bangs noong nakaraang araw. Bagay kasi sa akin iyon kahit noon pa pero tinigil ko din noong mga panahong wala akong gana at nasa madilim pa ng parte ng aking buhay. Last week ko lang naisipan gawin at tila umaliwalas ang aking mukha dahil doon. Pinupuri din ako ng mga kasamahan ko dahil sa bagong look. Maputi ako tulad ng aking kapatid. Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong at manipis at natural na mapu-pula ang labi. Kamukha talaga kami. Lalo na kapag ginaya ko si Ate. Naka-uniform na ko at nagsu-suot ng sapatos ng tumunog ang cellphone. Para akong nagpanic bigla. Agad ang pagsulyap ko sa cellphone kong umilaw. Hindi ko muna sinuot ang isa kong sapatos at mabilis na kinuha ang cellphone. May kutob kasi ako kung sino iyon at tama nga ako ng makita ang pamilyar na sa aking numero. I'll call you now. Nagulat ako ng bigla ng matapos kong basahin iyon ay nag-ring na ang cellphone ko. Si Ate Aiko nga ang tumatawag! Naiiyak ako sa kung gaano siya kabuting tao. Siya pa talaga ang nag-reach out sa akin para magka-ayos kami. Siya pa itong tumatawag ngayon. Walang kwenta ang pride sa kanya. Wala ata siya noon. Natagpuan ko ang sarili na tahimik ng lumuluha. Mabilis kong pinahid iyon gamit ang aking palad. Huminga ako ng malalim bago iyon sagutin. "H-hello..." I stuttered. Halata ang aking kaba. Kinagat ko ang ibabang labi at tahimik na umupo sa kama. "Hi... Winona," she said sweetly. Nanginig ang aking labi ng marinig ang malambing niyang boses. Paano? Paano niya nagagawa na kausapin ako ng ganito na parang hindi ko siya sinaktan ng sobra noon? Mas lalo akong nakonsensya. Mas lalong nadurog ang puso ko dahil naging masama ako noon sa kanya. Nanatili akong tahimik. Hindi ko magawang magsalita. Natatakot akong mahalata niya ang kaba ko at panginginig ng boses dahil nagsisimula na kong umiyak. Mabigat ang paghinga nito sa kabilang linya. Tahimik din sa background niya. "Are you at home?" she asked as if we're on good terms just like before. I cleared my throat. "Yeah... I'm off to work," tipid kong sagot. Hindi ko magawang magsalita ng madami. Nahihiya ako at baka sabihin niyang feeling close ako at parang walang nangyaring kataksilan noon. Kaso sa ginagawa ko parang ako pa iyong ma-pride. Parang siya pa ang may kasalanan sa akin. Nahihiya lang talaga ako. Ngayon na may pagkakataon akong sabihin ulit ang salitang 'Sorry' ay hindi ko naman na magawa. Nilunok ko ang bikig sa aking lalamunan. "Oh, I see. Should I call later? Baka ma-late ka sa work--" "No, No! Okay lang!" nagpa-panic na sabi ko. Natahimik ang kabilang linya. Kinagat ko ng mariin ang aking labi bago nagsalita. Ipikinit ko ang mga mata na tila hiyang-hiya dahil bumabalik na naman sa akin ang mga ala-ala ng mga nagawa kong kasalanan sa kanya. "I'm sorry about the past. I'm really... s-sorry..." nauutal kong sabi. Huminga ako ng malalim para kontrolin ang emosyon pero tuluyan nhg bumuhos pang lalo ang aking mga luha. Para na tuloy gripo na naiwang nakabukas. Narinig ko ang pagbuntong-hininga sa kabilang linya. "Winona... matagal na kitang pinatawad sa nagawa mo. Bata ka pa noon at alam kong marami pagkukulang ang mga taong nakapalibot sa'yo kaya ka nagka-ganoon. It takes years for me to fully understand everything. I admit, hindi naging madali sa akin... sa amin. Pero ang mahalaga okay na tayong lahat. Winona... ikaw lang ang kapatid ko. Kahit sabihin mong magka-iba tayo ng ina. Kapatid pa rin kita kay Daddy. Nagi-isa ka lang. Alam kong nagsisisi ka na at ibang-iba ka na ngayon. Ayoko na ng may samaan ng loob sa kahit na sino. Masaya na ko sa buhay ko Winona. My happiness covered my worries and sadness. Wala na iyon sa akin. Kinalimutan ko na. Palayain na natin ang sarili sa nakaraan. Is that alright?" Umiiyak ako habang tumatango. Parang tanga na hindi naman niya ko nakikita pero sunod-sunod ang pagtango ko. Alam kong naririnig niya na ang hagulgol ko sa kabilang linya. Wala na kong pakialam. Sobrang saya ng puso ko. Paulit-ulit akong nagpapasalamat sa kanya. "T-thank you... t-thank y-you..." Humihikbi kong sabi. "Winona, kaya ako tumawag para sabihin sa'yo iyan at ang tungkol kay Daddy..." Agad ang pagtahip ng kaba sa aking dibdib. "Bakit anong nangyari kay Daddy?" tanong ko na hindi maitago ang paga-alala. "Lately kasi ay lumalabas-labas na ang mga sakit niya. Tumatanda na kasi. Gusto ka niyang pauwiin. Ako ang gusto niyang magsabi para malaman mo mismo sa akin na okay lang Winona. Na umuwi ka dahil pinapatawad na kita. You should also see your pamangkins." Nahimigan ko ang pag-ngiti nito sa kabilang linya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD