KABANATA 5

2275 Words
KABANATA 5: HINDI maalis-alis sa isip ko iyong mga sinabi ni Ate Aiko. Hanggang trabaho bitbit ko ‘yon. Pero masaya ako at ramdam iyon ng mga katrabaho ko. "I bet something good happened. You seem different today. Your face is light. Do you agree, Billy?" si Maxine habang abala sa pagtingin sa chart pero sumusulyap sa akin. "She's always glowing in my eyes, Max. But I agree, she's more beautiful today, biro ni Billy habang sinisipat ako. "I didn't say she's more beautiful. You aren't listening to me." Umiling-iling si Max pero nakangiti. Si Billy kasi hanggat maari kung may chance mambobola talaga. Naging habit niya na kahit alam nitong wala siyang pag-asa. Himala ang araw na ito. Kahit na busy ako buong araw. Para bang ang dali at hindi nakakapagod ang trabaho. Nakuha ko pa ngang maglinis kahit na dapat sa off ko pa gagawin. Pinapauwi na ko sa Pinas. Akala ko nga hindi na ko makakatapak doon, e. Para kasing pakiramdam ko banned na ko sa sarili kong bansa. Nagdadalawang-isip pa ko kung talagang uuwi ba ko o hindi. Pero a part of me says yes. Gusto ko kasi nakaka-miss din doon. Kahit na wala naman ako kaibigan at kamag-anak na close ko. Iba pa rin kapag sa bansa ka na kinalakhan mo. Nakaka-miss iyong simoy ng hangin lalo na kapag pasko. Ber months pa lang puro na pangpasko na tugtog ang maririnig mo sa mga malls at maski sa pinapatugtog ng kapitbahay. Iniisip ko naman na huwag na muna. Wala din naman ako titirhan doon. Ayoko umasa sa pera ni Daddy. May pinaglalaanan ako ng pera ko at gusto ko magtayo ng business. Hindi ko pa naiisip kung ano pero nagiipon ako. Kuripot ako. Nasanay na dahil malaki ang pagpapahalaga ko sa pera. Dahil iyon sa lumaki akong mahirap. Iyong gamit ko. Hindi ko papalitan hanggat hindi pa sira. Dahil nga hindi naman ako mahilig na gumala o maghappy-happy. Hindi ako napapagastos ng malaki. Pwede naman ako magrent paguwi. Kaso wala naman akong trabaho. Hindi pwedeng uuwi ako tapos wala na kong gagawin. But for sure matatanggap pa rin naman ako dahil bukod sa maganda ang background ko ay alam kong kulang na kulang ang mga Nurses sa Pinas. Pinagiisipan ko pang mabuti. Maganda din naman tumira at tumanda dito sa US dahil suportado ka ng government nila. Ang kaso marami syempreng bayarin. Mga insurances ay mataas ang cost of living. Kaya iyong iba. Dala-dalawa ang trabaho para kumita ng malaki. Wala akong ibang pinagsabihan ng tungkol sa nakaraan ko kundi si Father. Sa kanya ako syempre nagkumpisal noon. Kaya naman ng off ko sinabi ko sa kanya ang magandang balita pagkatapos ng misa. Hilig ko ng magdala ng mga pagkain para sa kanya. Bukod sa donasyon na pera. Hindi ako pumapalya sa pag-share din ng mga groceries sa kanya. Masaya ako sa ginagawa kaya tuloy-tuloy na. Sinabi ni Father na pagisipan kong mabuti. Maglaan pa ng panahon kung talaga bang gusto ko ng umuwi o hindi. Kaya ganoon ang ginawa ko. Ilang araw na din ang nakalipas at may ilang message si Ate Aiko sa akin. Nakikibalita kung uuwi na ba ako dahil tinatanong ni Daddy. Kaso wala akong maisagot sa kanya kundi susubukan ko. Hanggang si Daddy na ang tumawag para pilitin ako. Hindi ko alam kung anong reaksyon ng step mom ko sa gusto nilang mangyari. Kung uuwi man ako ay hindi ako mananatili sa poder nila. Bibisita lang ako. Napilitan akong um-oo. Sa isang tawag ni Daddy napasunod niya ako. Hindi pa ko nakakapag-book. Siya na ang gumawa sa akin. May ticket na agad ako samantalang di pa nga ko nakakapagpa-alam sa Hospital ma magre-resign ako. Plano ko kasi kung uuwi ay doon na lang ako magta-trabaho sa Pinas. Bibisitahin ko din ang puntod ni Mama at balak kong ipahukay at ipa-cremate para naman mailipat ko siya at mapagawan ng museleo. Ang dami ko na iniisip sa pag-uwi ko pero pinagisipan ko pa talaga yan kung uuwi b talaga o hindi. Siguro inaantay ko lang talaga go signal ni Daddy. Para talagang buo ang loob ko dahil sila lang naman ni Ate Aiko ang pwedeng dahilan para umuwi ako. Nagsubmit agad ako ng resignation letter sa Hospital. Malungkot pero masaya naman sila sa akin dahil uuwi na ko sa sariling bansa. Gusto sana nila na magbakasyon na lang ako doon at bumalik na lang. Kaso hindi ako pumayag. May plano na ko sa pag-uwi at hindi papayag si Daddy dahil ang gusto niya mas madali niya kong makikita o makaka-usap pero malinaw sa usapan namin na hindi niya ako gagastusan. Uuwi ako pero sarili kong pera ang aking gagamitin. Iyon na lang ang meron ako. Pride and ego pagdating sa ganyang bagay. Mapatunayan ko man lang sa kanila na kahit umuwi kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Maging proud si Daddy sa akin. I never heard anything about my achievements and all. Nagusap kami na parang tungkol sa negosyo lang ang topic kahit hindi naman. He's not like before. Noon kasi kahit pa-paano dinadalaw niya ko sa condo ko tapos makikipagkwentuhan. Kaya magaan na ang loob ko kausap si Daddy. Ngayon para akong estranghero kung kausapin niya. Naiintindihan ko naman kung bakit. Ganunpaman, pumayag pa rin naman ako sa gusto niya na umuwi ako. I tell my plans of going home to Mrs. Oliveira. Tulad ng inaasahan ay alam kong masaya siya. Why not? She has hopes pa rin kasi na magkikita kami ng nagi-isang anak nitong lalaki lalo na uuwi na ko sa Pilipinas. I didn't tell her about the real reason why I studied abroad. Ayokong ipahiya ang sarili sa ibang tao. Paano ko magagawang kalimutan ang nakaraan kung iku-kwento ko pa sa iba. Bangungot na nga iyong noon, e. Sinabi ko lang sa kanya noon na pinag-aral ako sa ibang bansa dahil mas maganda ang education sa US. Hanggang sa nagustuhan ko na dito at nakapag-trabaho. Alam niyang nagi-isa lang din akong anak at patay na ang Mama ko. Ang Daddy ko naman ay may pamilyang iba. Totoo naman iyon pero hindi ko na sinama iyong naging kasalanan ko kaya pinatapon ako dito. The couple believed me. Ngayon, ay uuwi ako dahil iyon ang gusto ng pamilya ko. Hindi naman sila nagtataka kung bakit hindi ako umuwi sa nakalipas na pitong taon. Pansin naman nila kung gaano ako kadedicated sa trabaho ko at ngayon nga kako pinapauwi na ko. "I'm gonna tell my son about you are going home, so you two could meet!" she beamed. Napangiwi ako. Mabuti na lang talaga sa telepono kami nagu-usap. Kundi awkward kung makikita niya ang reaksyon ko. Minsan pa naman hindi ko napipigilan ang reaksyon ko. "Oh, If I have time we can meet. I'm sure he;s busy too with his career," sabi ko na lang. Pero paulit-ulit pa rin kami sa tungkol sa anak niya na sasabihin niya ito na lumuwas ng Manila para ako ay makita. We talk about some other things na after that. Tulad ng nakahiligan na nito ang baking kaya gusto niyang ipatikim sa akin bago man lang ako umuwi. Nasabi ko na din na magtatagal ako sa Pinas at hindi ako sigurado kung kailan ako babalik sa US dahil plano ko ng magtrabaho doon. Iyon din kasi ang request na kako ni Daddy. Natapos ang pagu-usap namin na masaya si Mrs. Oliveira sa balita. Kahit pa-paano nakaka-miss ito sa personal. Wala na kong panahon para bumisita sa kanila dahil sa susunod na linggo na ang biyahe ko pauwi sa Pilipinas. Ganunpaman, masaya pa rin siya at umaasa na magkikita kami ng anak nito. Napaka-thoughtful ni Mrs. Oliveira dahil kahit malayo siya sa akin. Wala na siya sa Hospital at hindi na kami nagkikita ay palagi itong nagiiwan ng mensahe sa aking kung kumain ba ko sa tamang oras. Nagse-send siya ng mga inspirational qoutes. Tatawag siya para mangamusta. Hindi ko na nga ata kailangan ng boyfriend dahil kay Mrs. Oliveira pa lang may nahanap na kong nangangamusta sa akin from time to time. Pinadalhan pa ko noong nakaraan ng ilang damit at libro bilang regalo. Nagulat na lang ako at mayroon na sa tapat ng pinto ko. Napaka-bait niya. Kabaligtaran ng anak nitong... ewan ko. Mukha kasing hindi naman ito interesado sa akin. Normal lang naman makipag-usap sa Mama nito at hindi ko ramdam ang excitement sa boses niya na gusto niya kong makausap. Parang di ako welcome sa buhay niya. Anyway, wala akong pakialam dahil hindi din siya welcome sa akin. Hindi ako interesado. Nagpadespedida ako bago dumating ag araw ng aking flight. Party hindi sa bar kundi sa Hospital. Nagpakain lang ako, okay na iyon. Hindi nila ako mapipilit na magclub kami. Hindi ko talaga hilig iyon. "I'm gonna miss you, bigtime!" si Billy na nag-pout pa sa harap ko. Natawa ako sa kanya. Ibinuka nito ang mga braso para sa isang yakap. Lumapit ako at niyakap siya kaya napuno ng tuksuan sa pantry. Nakisali si Maxine at nagyakapan kaming tatlo. Naluha ako ng tila sinipa na ang dibdib ko ng emosyon. Silang dalawa ang naging matalik na kaibigan ko sa hospital matapos na tila nagliwanag ang buhay ko ng lumapit ako sa itaas. Hindi pala masama na lumabas sa comfort zone mo. Hindi na ko tulad noon na umiiwas sa tao talaga. Isa pa, parte ng trabaho ko ang humalubilo sa tao lalo na sa Hospital ako. May mga pasyente kami. Sinolo ako ng yakap ni Maxine at nag-iyakan kaming dalawa. "Oh, god! I'll miss you, Win! You've been a perfect friend to me. Let's keep in touch, alright?" she said. Tumango ako kahit humihikbi. Pinunasan ko ang aking mga luha at ganoon din ang ginawa niya. Umuwi ako sa apartment na mabigat ang aking dibdib. Seryoso na mami-miss ko ang buhay ko dito sa US. Ang daming memories. Kaya habang nage-empake ako ng gamit. Tumutulo ang luha ko. Saksi ang apartment ko sa mga pinagdaanan ko sa buhay. Nalugmok ako. Muntik ng lamunin ng dilim pero nakuha kong bumangon. Nagkaroon ng direksyon ang buhay. Nagkaroon ng sigla. Nagkaroon ng mga kaibigan. Nagpaalam din ako sa filipino church community ko. Panay ang pasasalamat ko sa kanila lalo kay Father. Ma-mimiss ko si Father Quizon. Biglang pasasalamat ay tinreat ko sila ng masasarap na pagkain. Simpleng salo-salo para sa mga kasamahan ko din sa simbahan. Gabi ang flight ko at hinatid ako ni Billy at Maxine sa airport. Nagyakapan pa kami at hindi na naman maiwasang mapa-iyak. Malungkot ko silang tinalikuran. Habang tinutulak ang cart na laman ang mga bagahe ko ay nililingon ko pa din sila at kumukuway ako. I smiled sadly. Mabigat ang dibdib ko habang pumipila sa check in-counter ng Philippine Airlines. Pitong taon. Ang tagal ko din dito. Kaya napamahal na din ako sa lugar lalo na sa mga tao. Dumaan ako ng immigration pagkatapos ay naglakad pa ng pagkahaba-haba para lang makapunta sa boarding gate na nakalagay sa aking boarding pass. Ibang Winona na ang babalik sa Pilipinas. Alam ko sa sarili ko na mabuti na ko ngayong babae. Hindi na ako tulad noon. Nagbago na ko at hindi ko na gagawin pang gumawa ng malaking kasalanan. Humingi na ko ng tawad kaya hindi ko na iyon uulitin pa. Bumili muna ako ng snacks habang sinalpak ang airpods sa aking magkabilang tainga. Hindi pa naman kasi bukas ang boarding gate at nagugutom na ko. Hindi kasi ako masyado nakakain ng maayos kanina kasama ang mga kaibigan kasi malungkot ako. Nawalan ako ng gana at gusto ko lang ay makipagkwentuhan sa kanila at yakapin sila. Nangako sa akin ang dalawa na magba-bakasyon sila sa Pilipinas pero titignan pa kung kailan. Nangako din akong ipa-pasyal ko sila sa oras na bisitahin ako. Tinapon ko sa trash can ang plastic ng sandwich at can ng soda. Tumayo na ko dahil pinapapila na sa boarding gate. Isa-isa na kaming pinapasok. Pag-upo ko sa eroplano. Kinakabahan na excited ako. Halo-halong emosyon. Sa wakas, uuwi ako. Hindi ko akalain na after seven years makakatapak muli ang paa ko sa Pilipinas. Kaya buong biyahe hindi ako mapakali. Natulog ako pero palaging saglit lang. Nagigising din tapos andami kong iniisip. Kung ano-ano na lang. Impit akong nagdasal para pakalmahin ang sarili. "Flight attendants, prepare for landing please." Napapikit ako ng mariin. Malapit na magland ang eroplano. Mas lalong nagningning ang aking mga mata ng unti-unti ko ng nakikita ang lupa! Naging emosyonal ako at naiiyak na. Lalo na naririnig ko ang ilang kapwa ko pasahero na sinasabi. "Haay, salamat. Nasa Pilipinas na tayo... Thank you, Lord." Nanginginig ang aking labi lalo na ng tuluyan ng nakalapag ang eroplano sa landing area. "Ladies and gentlemen, Ninoy Aquino International Airport. Local time is 11:45 am, and the temperature is 34c..." I sighed as I listened to the Captain's announcement. Totoo na talagang nakauwi na ko. "On behalf of Philippine Airlines and the entire crew, we thank you for joining us on this trip, and we are looking forward to seeing you onboard again in the near future. Have a nice day!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD