KABANATA 6: AKALA ko ay walang susundo sa akin pero nagkamali ako. Nagpadala si Daddy ng tauhan niya para ihatid ako sa hotel. Dapat ay sa mumurahin hotel lang ako mags-stay pero may naka-book na pala si Daddy para sa akin. Isang five-star hotel iyon sa Raffles Makati. Nai-cancel ko tuloy iyong na-book ko na good for one week sana. Ang huling pagu-usap kasi namin ni Daddy ay iyong tungkol sa pagbisita ko sa kanya pagdating ko sa Manila. Hindi naman niya nabanggit iyong tungkol sa na-book niyang Hotel. Kaya nga naghanap ako noon sa website at nag-book na lang. I insisted on paying him instead pero hindi siya pumayag at nagalit pa. Tila nasagasaan ko ang kanyang ego sa aking sinabi. Pagdating sa Hotel ay sa kama ang diretso ko. Napagod ako sa biyahe. My phone rang, and it's Daddy. Sinago