Chapter 2

2244 Words
Someone's POV 'Lapitan mo sya pag papasok na sya sa fitting room tapos sumama ka sa kanya papasok tapos susunod ako. Gagawa ako ng portal, dadalhin natin sya sa mundo natin mukha namang wala syang kasama'sabi nya sa akin pero sa isip nya na ako kinausap baka kasi may makarinig 'May kasama sya, yung mga nasa likod nya'kanina ko pa kasi napapansin yung ilang kalalakihan na nakasunod sa kanya kanina pa. Mukha mga bodyguard nya 'ako na bahala sa kanila'sabi nya 'oh sige'sabi ko Nung makita namin na papasok na yung babae sa fitting room ay agad akong sumunod sa kaniya at sya naman ay lumapit sa mga body guards Nang makalapit na ako sa babae ay agad ko syang hinawakan ng mahigpit at saka hinila papunta sa fitting room Pilit pa syang pumipiglas at balak sanang magsalita pero tinakpan ko ang bibig nya at nagtagumpay naman ako na ipasok sya sa loob. Maya maya pa ay pumasok na sya na nakangiti sa amin Elliza POV "ano bang kailangan nyo?"inis na sabi ko sa kanila Sino ba namang hindi maiinis kung may basta nalang hihila sayong babae papasok sa fitting room Hindi ko nga sya kilala eh pati yung kasama nya tapos hihilahin ako. Kahit magaganda sila ay feeling close parin sila "Sumama ka nalang"sabi nung isa sa pa Bigla nalang may lumabas isang puting bilog na umiikot kaya nagulat ako "ano yan?"gulat na tanong ko Ngayon lang ako nakakita nyan sa buong buhay ko at sa tingin palang ay nakakatakot na talaga "secret"sabay na sabi nila habang nakangiti Lalabas na sana ako pero hinawakan nila ako sa magkabilang braso, sisigaw na sana ako kaso bigla silang naglakad kasama ako papasok sa bilog na iyon Nakaramdam ako ng hilo at unti unting nawalan ng malay ----------------- "Sino yan?" "Bakit andito yan sa dorm natin?" "Ang ganda nya" "Oo nga" "Wag kayong maingay baka magising sya" "Ikaw kasi ang daldal mo" "Ikaw nga diyan ang madaldal" Ang ingay! unti unti ko minulat ang mata ko at inis na tiningnan ang mga maiingay na iyon "Waaaaaaaaaaaaa"sigaw ko "Ahhhhhhhhhhhhh"sigaw nila "halimawwwwwwww"sigaw ko ulit "Ahhhhhhhhhhh, asannnnnn?"sigaw ulit nila "tsk wag nga kayo sumigaw ang ingay nyo"sabi naman nung lalaki at pagtingin ko sa kanya ay napabangon ako at napatakbo palapit sa isang ipuan at tumalon don at nagtago sa likod Paanong hindi ka matatakot kung mabubungaran mo ay mga taong iba't ibang kulay ang mata at buhok. Mukha silang halimaw! Lalo na yung isang lalaking kulay red ang mata at buhok, para syang bampira! 'huhu mommy daddy asan na kayo? Tulungan nyo ako may mga halimaw'sabi ko sa isip ko ay tinakpan ko ang mukha ko at umiyak "huy bakit ka umiiyak?"nagulat ako sa narinig kaya tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko pero agad ko rin itong naibalik "Ahhhhhhhhhh mga halimaw"sigaw ko ulit huhu Magaganda sila at gwapo pero hindi ko maiwasan na matakot dahil sa mga mata nila. Alam kong uso na ang contact lense at pangkulay ng buhok pero mukhang totoo yung sa kanila "hindi kami halimaw"sabi nung isang babae Tinanggal ko yung pagkakatakip ng kamay ko sa mukha ko at saka sila tiningnan isa isa "oo nga ang gwapo ko kaya para maging halimaw"sabi naman nung isang lalaki Gwapo nga sya pero yung mata nya ay green. Yung buhok nya ay may highlight na green "saan banda"sabi pa nung isang babae Tiningnan ko yung babae at kumunot ang noo ko ng makilala sya. Sya yung kasama nung nanghila sa akin kanina pero hindi na black ang mata nya at yung buhok nya ay may highlight narin. "Ikaw! Kayo ng kasama nyo ang nagdala sa akin dito. Sino kayo? Anong kailangan nyo sa akin? Bakit nyo ako dinala dito? Ibalik nyo na ako sa amin!"sigaw ko sa kanya at napaurong naman sya sabay taas ng dalawang kamay na parang sumusuko sya "Hehe, isa isang tanong lang. Hindi ko masasagot yan lahat. Pero mamaya ko nalang pala sasagutin" pinagmasdan ko sila maigi at don ko na realize na hindi nga sila sila halimaw hehehe. Mga nakacontact lense lang sila at nagkulay lang ng buhok.....siguro "aish bakit kasi kayo naka-contact lense ng ganyan ang kulay tapos may highlight pa yung buhok nyo"inis na sabi ko sa kanila kasi naman may highlight na nga sa buhok tapos yung mata nila nakakatakot pa. Yung isa ay puti ang mata, buti nalang talaga ay may black sa gilid nung malaking bilog sa mata nya at may maliit na itim na bilog sa gitnang malaking bilog, kung wala yon ay magmumukha na syang halimaw Teka! ganon din yung buhok at mata ko pero iba yung kulay at tunay yung akin at hindi nakakatakot tingnan "hindi kami nakacontact lense, ito talaga ang kulay ng mata namin at may highlight talaga ang buhok namin"paliwanag nung isang babae pero hindi ko magawang maniwala Sino naman ang maniniwala sa kanila? Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita ng katulad ko. Ang alam ko ay ako lang ang merong ganito bukod nalang sa mga foreigners pero mukhang hindi naman sila foreigners eh "lokohin nyo ang lolo nyo"natatawang sabi ko Sa panahon ngayon ay marami ng manloloko kaya hindi dapat ako maniwala sa kanila "Edi wag kang maniwala!"sabi nila at sabay sabay na tinalikuran ako Teka nga! Asaan ako? baka hinahanap na ako nila mommy at daddy "hoy mga fake"tawag ko sa kanila "Anong fake?! tunay nga itong buhok at mata namin!"sabi nung isang lalaki na parang childish "Ah basta"sabi ko sa kanila at napatingin ako sa dalawang babae Teka!"Ikaw yung babaeng nanghila sa akin sa mall"sabi ko sa kanya habang nakaturo pa "asaan na ako? saan nyo ako dinala? ibalik nyo ako sa mall baka hinahanap na ako ng mommy at daddy ko"sabi ko sa kanila Baka nagaalala na sila sa akin! "hindi ka namin ibabalik doon dahil dito ka nakatira"sabi nung babae Anong bang problema ng mga taong ito? Mga nababaliw na ata sila eh "anong dito nakatira eh hindi naman eto ang bahay namin, nasaan ba kasi ako?"inis na tanong ko sa kanila "nasa imortal world ka"sagot nya sa akin na nagpatawa sa akin ng sarkastiko imortal?wala namang ganun ah, confirm! Mga baliw talaga sila kaya kailangan ko na talagang umalis dito kasi baka mahawa ako sa kabaliwan nila "sinungaling ka! Walang imortal world at mas lalong walang imortal na tao"inis na sabi ko sa kanya "ayaw mo talagang maniwala huh?"sabi sa akin nung isang lalaki Nagulat ako ng magpalabas sya ng mga lupa sa kamay nya at nanatili itong nakalutang napatingin naman ako sa iba at ganon din ang ginawa nila merong metal, ice, water, electricity, at fire "hindi ko kayang gawin yan pero kaya ko gumawa ng ipo ipo"sabi nung isang babae at inikot nya yung isang daliri nya at bigla nalang may lumutang na maliit na ipo ipo sa kamay nya "ha-ha-halimaw kayo"natatakot na sabi ko at napaatras ako Nananatili sa kamay nila ang mga ginawa nila habang unti unti silang lumalapit sa akin kaya unti unti rin akong lumalayo pero agad akong kinabahan nga bumangga na yung likod ko sa pader Shit! shit! Mommy! Daddy! Tulungan nyo ako! Katapusan ko na ata ito!! "Please, wag nyo akong patayin. Maawa kayo sa akin! Promise, hindi ko sasabihin sa iba na halimaw kayo" itinaas ko pa ang kaliwang kamay ko pero ng narealize ko na kanan dapat ay agad ko itong naibaba ay itinaas ang kanan "birthday ko naman ngayon kaya pabirthday nyo nalang sa akin please, maawa kayo" "Hindi nga kami halimaw kasi mga prinsipe at prinsesa kami!"sigaw nila mabilan dun sa lalaking nagpalabas ng apoy Halos gusto ko na sirain ang pader na ito dahil mukhang galit na sila sa akin at natatakot ako na baka ipatama nila ang mga hawak nila sa akin at mamatay ako Gusto ko pang mabuhay! Hahanapin ko pa yung tunay kong magulang para itanong ang rason nila kung bakit nila ako iniwan kaya please sana may magligtas sa akin!! "Uuwi na ako, asan ang daan?"kinakabahang tanong ko Asan ang pinto!! Agad kong inilibot ang mata ko sa paligid ko at nung makita ko yung pinto at nagtatakbo ako don pero napatigil ako ng harangan ako nung isang babae "hindi ka pwedeng umuwi"sabi naman nung babaeng nanghila sa akin kanina "bakit nyo kasi ako dinala dito huh?"tanong ko sa kanya sa mahinang boses dahil sa takot "Kasi may kakaiba sa iyo, hindi ko mabasa ang isip mo"sagot nyan Malamang hindi nya mababasa yan, sa isip ko lang naman yan eh, hindi ko naman sinusulat kaya hindi nya yan mababasa "Nababasa ko ang isip nya"sabi nung lalaki ng nagpalabas ng apoy kanina Uto yata itong mga ito paano nga nila mababasa ang isip ko!!!! "hindi kami uto"sabi nya kaya nagulat ako Paano nya nalaman yon? Paano nya nalaman yung sinabi ko sa isip ko "Pero hindi ko mabasa kanina"sabi nung babae Unti unti akong naglakad palapit sa pinto habang walang nakakapansin sa akin dahil naguusap sila. Kailangan kong makatakas dito!!! "Pero nababasa ko at wala namang kakaiba sa kanya"sagot ulit nung lalaki Kailangan kong makaalis dito!! "pero kung mortal yan hindi yan makakapasok dito"sabat nung isa pang lalaki Edi iniisip pala nila na imortal ako, pero wala akong pakialam!! Naglakad parin ako palapit sa pinto at nung malapit na ako ay tatakbo na sana ako pero agad akong napahinto ng makita ko na nababalutan na ng yelo ang pintuan "Saan mo balak pumunta?" Nakataas kilay na tanong nung isang babae na nakatutok yung kamay sa pinto at may nalabas na yelo na tumatama sa pinto "Ahhh, hehehe lu-lumalayo lang a-ako sa inyo, pa-para makapagusap ka-kayo ng maayos"utal utal na palusot ko "anong kapangyarihan mo?"tanong nung isang pang lalaki "Wala ako non"sagot ko"kaya please lang, paalisin nyo na akk dito, wala kayong mapapala sa akin. Kung gusto nyo ng pera ay bibigyan ko kayo. Hindi ko naman l kayo kilala eh kaya pakawalan nyo ako" Halos lumuhod na ako para lang paalisin na nila ako pero mukhang walang silbi yun sa kanila "Hi, I'm Ethan Louis Mendez, 18 years of age, prince of kingdom of electricity. My ability are telephaty, teleportation, and I can be invisible"pakilala nung lalaki na yellow amg mata at may yellow na highlight ang buhok "I'm Mark Raven Roswell, 18 years of age, prince of kingdom of nature. My ability are telephaty, teleportation, and Portal maker"sabi nung lalaki na may green ang buhok at green ang mata "I'm Ace Henry Melt,18 years of age, prince of kingdom of metal. My ability are telephaty, teleportation, and telekenesis"sabi nung may gray ang buhok at gray ang mata "Tsk"sabi nung may red ang buhok at red ang mata, yung mukhang bampira wow ganda ng pangalan nya ah, tsk "Ako na nga lang ang magpapakilala sa kanya, he is Dark Xavier Ashton Steve, 18, prince of kingdom of fire. His ability are telephaty, teleportation, mind reader, and invisibility"sabi ni Ethan "I'm Aicell Scarlet Scott, 18, princess of kingdom of ice. My ability are telephaty, teleportation, healing, and invisibility"sabi nung mukhang childish na babae. Blue na mata at may white na highlight sa buhok "I'm Aira Ariella Gozon,18, princess of kingdom of air. My ability are telephaty, teleportation, mind reader, and telekenesis"sabi nung humila sa akin kanina papunta dito. May white ang buhok nya at white ang mata nya na may black sa gilid ng malaking bilog at black na maliit na bilog sa gitna "I'm Althea Ally Walter, 18, princess of kingdom of water. My ability are telephaty, portal maker, teleportation, and I can see future but only 2 minutes before it happen"sabi nung babae kasama nung babaeng nanghila sa akin. May blue sa buhok nya at blue ang mata "Wala naman akong pakialam sa mga pangalan nyo eh. Paalisin nyo ako dito, yun yung gusto ko"sabi ko pero natigilan ako ng tingnan nila ako ng masama kaya agad akong nagpakilala "I'm Elliza Montefalco, already 18 now, I don't have any powers but my hair and my eyes is color--"di ko natapos ang sasabihin ko ng may kumatok kaya napatingin kami sa pinto Agad namang tinunaw ni Aicelle yung yelo don at binuksan yung pinto "royalties pumunta daw po kayo sa office ngayon na"sabi nung isang studyante na pumasok Epal din ito eh. Hindi pa akon tapos magpakilala tapos biglang dumating. Hindi ba pwedeng patapusin nya muna ako "oh sige susunod na kami"sabi ni Althea"Elliza sumama ka narin sa amin para mapakilala ka na namin" dagdag nya Hala! "Ayoko! Uuwi na ako, ihatid nyo na ako sa bahay namin tutal kayo naman ang nagdala sa akin dito. At sana nasaan ba tayo?"agad na sabi ko "Hindi ka pwedeng umuwi, nasa academy tayo"sabi ni Althea Agad akong lumayo sa kanila at saka inis na tiningnan sila "bakit ba ang kulit nyo!! Iuwi nyo na ako dahil wala rin naman kayong mapapala sa akin!"sigaw ko pero hindi sila nagpatinag Hinawakan ni Aira yung kamay ko at ang sunod ko na lang na nalaman ay nasa ibang kwarto na kami kaharap ang isang medyo may katandaan na Parang nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil sa nangyari. Paano nangyari yon? Ni hindi ko nga maalala na naihakbang ko yung paa ko nung hinawakan ako ni Aira eh! "royalties may magandang balita ako sa inyo"masayang sabi nung matanda Parang bigla akong bumalik sa realidad at napatingin ako sa matanda na nagsalita "ano iyon?"tanong ni Mark "Bumalik na ang prinsesa, ayan na sya"sabay turo nya sa dalaga at doon ko lang napansin na magkatulad kami ng mata at buhok, gold "anong ibig mong sabihin na tulad kayo ng mata at buhok?"tanong ni Aira, binasa na naman ang isip ko "ganyan din kasi ang kulay ng bu-"hindi ako natapos magsalita kasi sumingit si Dark "Asan ang ebidensya mo?"cold na sabi ni Dark Bakit ba ang hilig nila sumingit habang nagsasalita ako. Yung una ay yung babae tapos ngayon ay sya naman "Eto"sabi ng babae at tinaas ng konti ang damit kaya nakita ko ang balat na kapareho ng akin Napaurong ako at gulat na nakatingin don sa balat ng babae. Paano nangyari na may katulad ako ng balat? Napahawak ako sa bewang ko kung saan nakalagay ang balat ko "ang prinsesa nga"bulalas nilang lahat pero hindi ako Bakit kami tulad ng buhok, mata, at birthmark?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD