Chapter 1

2332 Words
Elliza POV "baby gising na tanghali na"naalimpungatan ako ng marinig ko ang boses na yun "mommy"tawag ko sa kanya "gising ka na diyan baby magbre-breakfast na tayo"sabi nya ulit "Limang minuto pa mom"sabi ko sa kanya kasi inaantok pa ako "nakahanda na ang breakfast natin"sabi naman nya Antok pa talaga ako, alas dose na ata ako natulog kagabi eh tapos ngayon ay alas sais palang ng umaga "okay mom ligo lang po ako"napipilitang sabi ko at bumangon na "okay baba na ako bilisan mo baby"sabi nya at bumaba na "okay mom"pahabol ko sa kanya at saka pumasok sa bathroom I'm Elizabeth Lorein Lovely Irish Zoe Ally Montefalco, but you can call me Elliza Montefalco, 17 years of age and turning 18 tommorow. Yes, tommorow is my birthday but I dont want to have party!! Binilisan ko na ang pagligo ko pero napatigil ako ng makita ko ulit ang aking birthmark sa aking tagiliran Hugis korona ito na kulay ginto at sa ligid naman nito ay maliliit din na diyamante na kulay ginto rin Bata palang ako meron na akong ganito at ginto talaga ang kulay. Walang ibang nakakaalam nito kundi ako, si mommy at daddy I'm definitely different from others, my hair is color black and it has a highlight of color gold but I'm using wig, my eyes is color gold too but I'm using contact lense and as like as I said. I'm having a different birthmark They called me ms perpect, why?, because I'm beautiful, sexy, smart, rich, tall, I can sing, dance, play different instrument, I can also protect myself and I'm a model Ng natapos na ako maligo ay nagbihis na ako, nagsuot lang ako ng malaki at medyo maluwang na damit at saka short. Kapag nasa bahay lang ako ay mahilig talaga akong magsuot ng malaking damit kasi pakiramdam ko ay malaya akong nakakagalaw kapag malaki ang damit ko. Bumaba na ako at nadatnan ko sina daddy sa kusina. "Dad, mom, good morning"masayang bati ko sa kanila at kiniss sila sa cheeks nila "Good morning princess"bati sa akin ni daddy "Good morning baby"bati naman sa akin ni mommy Kung napansin nyo, magkaiba ang tawag nila sa akin, hindi ko rin alam kung bakit. Sinabi ko sa kanila noon na wag na ako tawagin na ganon kasi hindi na ako bata pero makulit sila eh. Nagiisa lang akong anak nila kaya ganyan sila sa akin, so naiintindihan ko naman sila. "princess tommorow is your birthday"sabi ni daddy na naguumpisa na kumain "yeah, I know dad"nakangiting sabi ko Paano ko ba naman makakalimutan ang birthday ko? Eh yun yung araw na lagi akong masaya Actually, araw araw naman akong masaya pero syempre, mas masaya sa araw na iyon lalo na't kasama ko ang pamilya ko "what do you want?"tanong nya ulit sa akin wala na naman akong gusto kasi wala na akong kailangan at ayoko naman magpabili ng hindi ko naman magagamit at kailangan "wala po daddy"sagot ko sa kanya "are you sure?"tanong naman ni mommy "yes mommy" "okay pupunta tayo sa mall bukas"nagtataka akong tumingin sa kanya Nasabi ko na nga na wala akong gusto tapos pupunta pa kami ng mall "bakit po?"tanong ko naman sa kanya "bibili tayo ng mga bago mong damit" Sinasabi ko na nga ba eh. Lagi nila akong binibilhan ng kung anu-ano kahit na tumanggi ako at hindi ko naman ginagamit "mommy madami na po akong damit"kasi naman halos wala na akong paglagyan ng damit ko Punong puno na ang damitan ko. Sa katunayan ay may walk-in closet ako na punong puno na kaya yung isang kwarto namin dito ay naging walk-in closet ko na rin "anak may sasabihin kami sayo"magsasalita pa sana ako ng magsalita si daddy Bakit parang kinabahan ako? "ano po iyon?"nagtatakang tanong ko at itinigil ko muna yung pagkain ko para pakinggan sya "huwag kang magagalit sa amin... sa sasabihin namin at tandaan mo mahal na mahal ka namin princess"seyosong sabi nya kaya naman mas kinabahan pa ako Nagdra-drugs ba sila? Nagamit ng pinagbabawal na gamot? Criminal? Killer? Halos batukan ko yung sarili ko dahil sa pinagiisip ko. Killer? Criminal? Tsk, imposible!!! "ano po iyon?"tanong ko sa kanila "hindi ka namin tunay na anak" Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinauupuan ko, hindi ako makagalaw at nananatili lang ang tingin sa kanya Pakiramdam ko ay tumigil ang pagikot ng mundo habang nakatingin ako sa kanya at sya ay seryosong nakatingin sa akin Bigla akong tumawa ng malakas pero pilit lang yon. Paano ako makakatawa ng hindi pilit kung hindi naman maganda ang biro nila? Ilang beses ko na ba yan napanood sa youtube? Ang dami ng nangpra-prank sa youtube at sigurado ako na isa rin ito sa mga yon Inilibot ko ang paningin ko sa paligid ko para hanapin ang hidden camera pero nakailang paikot ikot na ang ulo ko ay wala parin akong nakikita "Nagbibiro lang po kayo diba? Prank lang ito diba? Nasaan po yung camera? Hindi nyo naman po sinabi sa akin na blogger na rin po pala kayo. Ano pong pangalan nyo sa youtube para mai-subscribe ko. O baka naman po sa facebook, ano pong pangalan ng page nyo para maifollow at like ko po. Gusto nyo po ba i-recommend ko rin po sa iba o kaya i-post ko sa facebook ko yung link para maraming makakita"nakangiting sabi ko pero unti unting nawala yung ngiti ko ng makita ko na nananatiling seryoso sila "hindi kami nagbibiro anak, patawarin mo kami kung ngayon lang namin sinabi"lumuluhang sabi ni mommy Ang galing naman nila umarte!!! Konti nalang talaga, maniniwala na ako Tumayo ako para libutin yung kusina at maghanap ng camera pero napatigil ako ng marinig ko si mom na nahagulhol na "Mom, dad, ano ba?! Hindi ito magandang biro! Hindi na ako natutuwa"hindi ko na napigilan na pagtaasan sila ng boses Ngayon ko lang sila pinagtaasan ng boses at hindi ko sinasadya yon pero hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko "Anak, h-hindi kami nagbibiro. H-hindi ka namin niloloko. H-hindi ka namin tunay na anak" Dahil sa sinabi ni dad na yon ay parang unti unting nanghina ang tuhod ko at napaupo nalang sa sahig habang unti unti ding tumulo ang luha ko Sigurado na ako ngayon na nagsasabi sila ng totoo! Hindi na sila nagbibiro! "pero po paano nangyari yon"hindi ko na napigilan ang luha ko ng makita si mommy na umiiyak Ang pamilyang nagpalaki sa akin, ang pamilyang minahal ko ay hindi ko tunay na pamilya "Wa-wala kaming anak ng daddy mo at nakita ka lang namin dito sa labas ng mansyon. N-nung una ayaw kita ampunin kasi kakaiba ang itsyura mo pero wala kaming nagawa kundi kunin ka. Nakalagay ka sa isang kahon at sa tabi mo ay may sulat"paliwanag ni daddy Sa kwento nilang yon ay mas tumulo pa yung luha ko at naitakip ko nalang yung kamay ko sa mukha ko Gusto kong magwala, gusto kong ihagis lahat ng gamit dito. Gusto kong magalit sa kanila kasi ngayon lang nila sinabi Ang ganda namang birthday gift nito!!!! Bukas na ang birthday ko pero naisip parin nila na ngayon sabihin Ang daming araw pero bakit ngayon pa? Bakit hindi nalang nila sinabi sa akin dati? Sino ang tunay kong magulang kung hindi sila ang mga magulang ko? Bakit nila naisipan na iwanan lang ako? "pero daddy asan na yung sulat"umiiyak na sabi ko Gusto kong malaman kung sino ang mga magulang ko, gusto ko malaman ang dahilan kung bakit nila ako iniwan. Gusto ko magalit sa kanila! Paano nila nagawang iwan ang anak nila?! "sandali lang kukunin ko"sabi ni daddy at umalis Nanatili akong nakaupo dito sa sahig habang walang tigil ang pagluha ko at si mom ay pinapatigil ako Paano ako titigil sa pagiyak kung nalaman ko na ampon lang pala ako ng mga taong minahal ko. Ampon lang pala ako ng mga taong akala kong magulang ko "pa-patawarin mo kami anak at ngayon lang namin nasabi sa iyo ang totoo"umiiyak na sabi ni mommy at hindi ko naman mapigilan na yakapin sya Gusto ko magalit sa kanila ni daddy pero hindi ko magawa. Paano ako magagalit sa mga taong umampon at nagalaga sa akin. Paano ako magagalit sa mga taong nagmahal sa akin Paano ako magagalit sa mga taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal na dapat ang mga tunay na magulang ko ang nagpakita "hu-huwag po kayong magalala hindi po ako galit masaya pa nga po ako kasi tinuring nyo akong tunay na anak"sabi ko sa kanya Siguro nagtatampo lang ako sa kanila kasi ngayon lang nila sinabi ang totoo na dapat ay matagal na nilang ginawa Kahit hindi nila ako tunay na anak nagpapasalamat parin ako at tinuring nila akong parang isang tunay na anak "princess ito na yung liham"sabi ni daddy na kakadating lang kaya agad akong umalis sa pagkakayakap kay mommy at kinuha yung liham at binasa Anak        Alam ko na marahil malaki ka na kung mababasa mo itong sulat na ito ngunit gusto ko lang manghingi ng kapatawaran sa iyo sa pagiwan sa iyo noon, balang araw ay makakabalik karin sa mundo natin, ingatan mo ang iyong sarili. Wala, wala dito ang sagot na gusto kong malaman! Anong gagawin ko sa sulat na ito kung hindi rin naman ito naglalaman ng mga paliwanag na gusto kong malaman. Ni wala ngang nakalagay na pangalan eh Hanggang doon lang ang liham pero nagtataka ako kung ano ang sinasabi nya na mundo namin "sa kahon pa pinaglagyan mo ay nandoon ang pangalan mo ngunit wala kang apilyido kaya isinunod na lang namin ikaw sa apilyido namin"paliwanag ni daddy Hindi ko na nagawang sumagot kay daddy dahil agad akong nagtatakbo sa kwarto ko at nilock ang pinto. Nahiga ako sa kama ko at ibinaon ang ulo ko sa unan ko at don ako umiyak ng umiyak Ang sakit! Kahit hindi ko pa nalalaman ang dahilan kung bakit nila ako iniwan ay nasasaktan na ako Siguraduhin lang nila na may maganda silang dahilan para iwan ako dahil sisiguraduhin ko na gaganti ako sa kanila oras na makita ko sila at hindi ko nagustuhan ang paliwanag nila FAST FORWARD nagising ulit ako ng maaga ngayon at naligo na. Ito na yung araw ng birthday ko Hindi ko magawang maging masaya dahil sa nalaman ko kahapon. Hindi ko alam kung paano pa ako magiging masaya Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mommy at daddy ko ngayon. Nagtatampo parin ako sa kanila pero malaki ang pasasalamat ko sa kanila Kagabi, naisip ko yung mga tunay kong magulang. Sino sila? Anong pangalan nila? Anong itsyura nila? May galit man ako sa kanila ay gusto ko parin silang makita. Gusto ko parin silang makasama Gusto kong isisi sa kanila ang lungkot na nararamdaman ko ngayon pero nagpapasalamat parin ako na iniwan nila ako kaya nakilala ko ang mga magulang ko ngayon Nagsuot ako ng isang simpleng blue dress na labas ang mga balikat ko at 3 inches above the knee. Meron itong sinturon na kulay black na lalong nagpaganda rito saka ako nasuot ng isang blue doll shoes, at kumuha na rin ako ng maliit na black bag na nilagyan ko ng cellphone wallet at mga card nilagay ko na rin ang wig ko na kulay black at sinigurado na maayos ang pagkakalagay nito at saka nagsuot ng contact lense na black Bumaba na ako at nadatnan ko naman ang mommy at daddy ko na nasa ibaba na at nakapagbihis na "happy birthday princess"bati ni daddy "happy birthday baby"bati naman ni mommy "thank you mommy, daddy"pasasalamat ko sa kanila saka sila kiniss sa cheeks nila Parang walang nangyari kahapon sa paraan namin ng pagbati ngayon. Sabihin nyo nga sa akin paano ako magagalit sa kanila kung ganyan sila kabait sa akin "shall we go?"tanong ni daddy "Yes" "lets go"sabi naman ni mommy kaya umalis na kami para pumunta sa mall hindi naman nagtagal ang biyahe namin at nakarating na kami sa mall Habang nagiikot ay ang dami nakatingin sa akin kasi picture ko yung ibang nakalagay na picture sa mga product na tinitinda dito kasi model ako Hindi naman sila makalapit sa akin kasi napapalibutan kami ng mga bodyguard na pumipigil sa kanila Ang dami kong naririnig na mga tunog ng cellphone dahil sa camera nung mga tao dito. Sunod sunod din ang mga flash ng camera pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad Sa amin din tong mall na ito kaya kahit ano pwede naming gawin dito at kunin ng libre Kumain muna kami kasi hind pa kami kumakain ng breakfast at saka kami nagikot "mom punta lang po ako sa damitan"paalam ko sa kanila Titingin lang ako ng mga damit don na magugustuhan ko pero pag wala ay maglilibot nalang ako "sige princess punta lang rin kami sa damitan ng mga lalaki"sabi naman ni daddy kaya pumunta na ako para magtingin tingin lang May mga sumunod sa akin na mga body guard na nasa likod ko lang kaya hinayaan ko nalang sila Someone POV Pumunta ako sa mortal world para maggala kasama ang isa sa mga kaibigan ko gumawa nalang kami ng portal para mabilis makapunta rito Madalas talaga kami maggala dito sa mortal world kasi naaaliw kami sa mga tanawin dito Hindi namin kasama yung iba kasi mga busy sila at kaming dalawa lang ang free ngayon andito kami sa bilihan ng damit ngayon at natingin tingin hanggang sa mapadako ang mga mata ko sa isang babaeng nakablue dress Hindi ko alam kung bakit ako napatingin sa kanya. Maganda, sexy, matangkad, mukhang mabait, at halatang mayaman sya. Sinubukan ko basahin ang isip nya pero hindi ko mabasa kaya inulit ko pero wala parin talaga. Mahilig akong magbasa ng isip ng tao at lagi ko naman itong nababasa Minsan natatawa nalang ako kasi nakakasagap ako ng chismis. May mga tao pa nga na napipilitan lang na sumama sa kasama nila at may mga taong nanlalait sa isip nila Pero nagtataka ako kung bakit hindi ko mabasa ang isip ng babaeng ito. Ilang beses ko ng sinubukan pero parang may pumipigil "hoy nakatulala ka na diyan, ano ba ang tinitingnan mo?"narinig kong sabi ng katabi ko pero hindi ko parin sya tiningnan nanatili akong nakatingin sa babae pero nakita ko sa peripheral vision ko na tiningnan nya rin yung babae Sinubukan ko ulit basahin ang isip nya pero hindi ko talaga mabasa "hindi ko mabasa yung isip nung babae"bulong ko sa kanya kasi baka may makarinig Mahirap na, baka marinig ng mga malapit sa amin at mapagkamalan pa ako na baliw o kaya may malaman sila na hindi dapat nila malaman "Huh? Sure kaba?"tanong nya "oo eh ilang beses ko na sinubukan pero ayaw parin talaga"sabi ko sa kanya Ito yung first time na hindi ako nakabasa ng isip ng tao at parang alam ko na ang dahilan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD