Chapter 10 Nakakunot ang nuo ni Liam habang nasa loob sila ng eroplano papuntang Singapore. Napapagitnaan nila ni Nathalie ang kanilang anak. Ang tatlong yaya naman ni Lenard ay nasa likod nila. Imbis na maging masaya si Liam sa biyahe nilang iyon ay parang badtrip pa siya. Mula kasi ng thursday night ay hindi nanaman nagparamdam sakaniya si Diana Tinext lamang siya nito na hindi daw ito available nung friday at nung sunday. Sa makatuwid ay kinancel nito ang plano nila. Nang tawagan niya ito ay hindi na niya ito macontact. Ilang beses rin siyang nagpabalik balik sa apartment nito ngunit walang tao roon Ang sabi sakanya ng katabing unit ni Diana ay madalas daw walang tao roon. Napapaisip tuloy siya kung saan nagpupunta ang dalaga? At bakit pinapatay pa nito ang cellphone nito "Liam