Chapter 9 "Saan ka pupunta Liam?" Nakataas ang kilay ni Nathalie habang nagwiwisik siya ng pabango. Kakatapos lamang niyang magbihis. Naligo muna kasi siya bago niya puntahan si Diana sa apartment nito Ngunit maaga naman umuwi ang magaling niyang asawa at nagtataka ito kung bakit aalis siya ngayong gabi. Kadalasan kasi ay natutulog nalang siya o di kaya nagbabasa ng mga libro "I'm going out" Maiksing sagot niya Lalong kumunot ang nuo ni Nathalie "And where are you going? Mag-gagabi na ha?" Tumingin pa ito sa digital clock na nakapatong sa bedside table nila katabi ng isang malaking lampshade Hindi niya ito pinansin. Wala siyang gana magpaliwanag kay Nathalie. Bakit pa ito nagtatanong kung saan siya pupunta? As if she cared? "Ilang gabi ko na napapansin panay ang tingin mo sa cell