KABANATA 38: THIRD PERSON POINT OF VIEW: "I WILL NOW LET MY DAUGHTER, Evangeline Valerio take over my position as a the chief executive officer of the Valerio Group of Company." Nagpalakpakan ang mga shareholder ng kumpanya nang ipinasa na ni Eusebio Valerio ang posisyon niya sa kumpanya sa kaniyang pinakabatang anak na si Evangeline. Panay ang pagkuha ng litrato ng mga media sa isang espesyal na kaganapan ngayon. Sobra naman ang ngiti ni Evangeline dahil sa wakas ay nakuha na rin niya ang matagal na niyang inaasam. Nang umakyat na siya sa stage ay nginitian siya ng kaniyang ama, hindi niya alam pero para bang may humaplos sa puso niya nang makitang totoong ngiti ang iginawad nito sa kaniya. Niyakap siya nito at saka hinalikan sa labi bago ito bumulong sa kaniya. "For all these years,

